Diskurso PH
Translate the website into your language:

Mahigit 50 Green Bones Natagpuan sa Mga Labi ng Ama ni Angel Locsin

Ipinost noong 2025-03-13 11:13:35 Mahigit 50 Green Bones Natagpuan sa Mga Labi ng Ama ni Angel Locsin

ISABEL, Marso 13, 2025 — Isang bihirang phenomenon ang natuklasan sa urn ng yumaong si Angelo Locsin, ama ng aktres na si Angel Locsin. Ang pagkakatuklas ng berdeng buto ay ibinahagi ng kapatid ni Angel na si Ella sa social media.

“The staff from Heritage Chapel arrived with Dad’s urn—and something else. A transparent ziplock bag filled with strange green fragments (Dumating ang staff ng Heritage Chapel dala ang urn ni Dad—at may isa pang bagay. Isang transparent na ziplock bag na puno ng kakaibang berdeng piraso),” pagbabalik-tanaw ni Ella.

Ibinahagi rin niya ang pagkagulat ng staff sa natuklasan. “‘Ma’am, Sir,’ one of them said gently, their voice tinged with awe, ‘we’ve seen many cremations… but your father had so many green bones. It’s very rare. We almost never see this in others (‘Ma’am, Sir,’ sabi ng isa sa kanila, ramdam ang paghanga sa boses, ‘ang dami pong berdeng buto ng tatay niyo. Bihira lang po ito. Halos hindi namin ito nakikita sa iba).’”

Ayon kay Ella, labis silang nagulat nang makita ang mahigit 50 berdeng buto sa ziplock bag. “Suddenly, what felt like the darkest day became a little lighter. It felt like Dad was still speaking to us, leaving a part of himself behind to watch over us (Biglang gumaan ang pakiramdam namin sa gitna ng pinakamadilim na araw. Para bang nagsasalita pa rin si Dad, iniiwan ang isang bahagi ng sarili niya para bantayan kami),” pagbabahagi niya.

Sa paghahanap ng paliwanag, natuklasan ni Ella na ang berdeng kulay sa buto ay maaaring dulot ng chemical reaction mula sa metallic compounds o antibiotic residues. Posibleng nagmula ito sa mga gamutan na dinaanan ni Angelo o sa titanium implant sa kanyang bukung-bukong.

Kahit may paliwanag ang siyensiya, naisip pa rin ni Ella na maaaring sumasalamin ang berdeng buto sa tibay at sakripisyo ng kanilang ama. “Maybe the green bones were also a testament to his strength—to a life lived with discipline, love, and sacrifice (Siguro, ang berdeng buto ay patunay rin ng kanyang lakas—isang buhay na pinuno ng disiplina, pagmamahal, at pagsasakripisyo),” dagdag niya.

Ikinuwento rin niya ang naging reaksyon ni Angel nang makita ang berdeng buto. “Her face lit up, like the sun breaking through a storm. For the first time since Dad left us, I saw Angel smile—a small, gentle smile, but real (Parang sumikat ang araw matapos ang bagyo. Sa unang pagkakataon mula nang mawala si Dad, nakita kong ngumiti si Angel—maliit at mahina, pero totoo).”

Sa kanyang taos-pusong pagtatapos, ibinahagi ni Ella, “Whether it was science or a miracle, what truly mattered was what Dad had left behind in our hearts—lessons of hard work, quiet strength, and love that stayed with us. And for that, we were lucky (Maging ito man ay paliwanag ng siyensiya o isang milagro, ang pinakaimportante ay kung ano ang iniwan ni Dad sa aming mga puso—mga aral ng sipag, tahimik na katatagan, at pagmamahal na mananatili sa amin. At dahil doon, masuwerte kami).”

Larawan: Angel Locsin/Facebook