Diskurso PH
Translate the website into your language:

'Mission: Impossible – The Final Reckoning,' ipapalabas sa PH cinemas sa May 21

Ipinost noong 2025-04-08 21:14:24 'Mission: Impossible – The Final Reckoning,' ipapalabas sa PH cinemas sa May 21

Abril 8, 2025 — Patapos na ang isang legendary era para kay Tom Cruise bilang Ethan Hunt habang papalapit na ang showing ng Mission: Impossible – The Final Reckoning. Sa bagong trailer ng pelikula, tinutukso ang final chapter ni Hunt habang nire-revisit ang ilan sa pinaka-iconic na eksena sa buong franchise.

Ipinakita sa trailer ang mga intense na moments mula sa iba't ibang pelikula—kasama na ang CIA black vault break-in sa original Mission: Impossible (1996), ang pag-survive sa Kremlin bombing sa Ghost Protocol (2011), at ang gas-filled security briefing sa Dead Reckoning Part One (2023).

Makikita rin si Hunt na naka-posas, tinatawag para sa isang mission para “bring the world back from the brink (dalhin muli sa ayos ang mundo).” “Everything you were, everything you’ve done, has come to this (Lahat ng naging ikaw, lahat ng ginawa mo, humantong na dito),” may bumulong sa kanya. Ang sagot ni Hunt: “I need you to trust me one last time (Kailangan kitang pagkatiwalaan sa huling pagkakataon).”

Ang Mission: Impossible – The Final Reckoning ang ikawalong installment ng sikat na action-spy franchise. Mapapanood ito sa mga sinehan sa Pilipinas simula May 21.

Larawan: Punto Central Luzon Newspaper/Facebook