Diskurso PH
Translate the website into your language:

Katseye, magbabalik sa April

Ipinost noong 2025-04-23 16:50:54 Katseye, magbabalik sa April

Abril 23, 2025 — Sisimulan ng Katseye ang isang panibagong kabanata sa kanilang karera sa paglabas ng kanilang pinakaaabangang single na “Gnarly” ngayong Abril 30, 12:00 ng tanghali (oras sa Pilipinas). Inanunsyo ng girl group ang balitang ito sa kanilang YouTube channel sa pamamagitan ng isang 26-segundong teaser video. Sa clip, makikita ang pagbukas ng isang refrigerator kung saan umaagos ang berdeng likido—at mababasa ang salitang “Gnarly.”

Bukod sa teaser, inanunsyo rin ng Katseye ang kanilang comeback sa social media sa isang serye ng food-themed na posts. Isa sa mga ito ay larawan ng isang sandwich sa food board, kung saan ang pamagat ng kanta ay nakasulat gamit ang berdeng likido. Isa pa ay ang kanilang comeback schedule na naka-disenyo parang grocery product packaging—sobrang unique at catchy!

Unang ipinakilala ang Katseye noong Hunyo 2024 matapos silang mabuo sa pamamagitan ng reality show na “The Debut: Dream Academy” sa ilalim ng HYBE. Kasama sa grupo si Sophia, ang kauna-unahang Pinoy artist na pumirma sa label, kasama sina Daniela, Lara, at Megan mula sa USA, Manon mula Switzerland, at Yoonchae mula South Korea.

Unang nakuha ng Katseye ang puso ng mga Pinoy fans nang bumisita sila sa Maynila para sa isang fan showcase. Lumabas sila sa ilang TV shows, kabilang ang “It’s Showtime,” at nakipag-collaborate pa sa mga local content creators tulad ni Niana Guerrero. 

Sa pananatili nila sa bansa, muling nagkita si Sophia at ang kanyang pamilya, habang sina Lara at Megan ay nakatikim ng lokal na paborito—balut! Kilala ang grupo sa kanilang viral hit na “Touch.”

Larawan: KATSEYE/Facebook