Kiyo, Zild, naglabas ng surprise collab na “Pambihira”
Ipinost noong 2025-05-03 19:47:05
Mayo 3, 2025 — Sa isang hindi inaasahang tambalan, nagsanib-puwersa ang local hip-hop sensation na si Kiyo at indie trailblazer na si Zild para sa kanilang bagong single na pinamagatang “Pambihira.” Ipinakilala ang kanta bilang isang surprise release kahapon sa pamamagitan ng social media accounts ni Kiyo, na may mga pahiwatig na maaaring bahagi ito ng kanyang paparating na album.
Ang “Pambihira” ay inilalarawan bilang groovy, bouncy, at swak na swak pakinggan sa malamig na summer nights. Hindi inaasahang collab mula sa dalawang artist, ang track ay isang masarap pakinggang jazz-pop na bagay na bagay sa Manila sound playlist mo.
Ito ang unang musical release ni Zild matapos ang kanyang 2024 album na Superpower, kung saan tampok ang mga kantang “Lia,” “Segurista,” at iba pa—na lalo pang nagpatingkad sa kanyang evolving na tunog bilang artist.
Samantala, para kay Kiyo, ang “Pambihira” ay pangalawa na niyang release sa araw na iyon. Kasabay din niyang inilabas ang “Lambingan Na This,” isang smooth na collab kasama si R&B artist Ryannah J. Mas maaga ngayong taon, naglabas din si Kiyo ng “Another Day” kasama ang local rap legend na si Gloc-9.
Larawan: Billboard PH
