Alex Gonzaga, viral look-alike nagkita na — may pa-Belo pa!
Marijo Farah A. Benitez Ipinost noong 2025-07-28 17:15:53
HULYO 28, 2025 — Personal nang nagkita ang aktres-vlogger na si Alex Gonzaga at ang call center agent na sumikat dahil sa pagkakahawig nila sa isa’t isa. Matapos ibahagi ng ahente sa TikTok ang kanyang itsura, agad itong nag-trending at napansin mismo ni Alex.
Sa isang vlog, nag-bonding ang dalawa habang ginaya ni Alex ang trabaho ng isang call center agent. Nagharap sila at nagbiruan tungkol sa kanilang pagkakamukha.
“Huwag niyo ipapakita kay Mikee ‘to, baka magkagulo pa kami!” biro pa ni Alex dati nang makita ang video.
Nakilala rin ng doppelganger ang pamilya Gonzaga, kabilang sina Mommy Pinty, Daddy Bonoy, at Uncle Jojo. Nakausap pa nito ang asawa ni Alex na si Vice Mayor Mikee Morada. Bilang regalo, binigyan siya ni Dra. Vicki Belo ng gift certificates para lalo silang maging magkamukha.
“Si Dea at ang misteryo ng pamilya namin. Kailangan mag paliwanag ng ama ko dahil tila ata kumakalat ang mukha namin. Papiliin ko rin si Mikee if before or after Belo ang hulma na gusto nya,” pahayag ni Alex sa Instagram.
Isa si Alex sa mga pinakasikat na content creator sa bansa, na may halos 15 milyong subscribers sa YouTube. Patuloy ang pagdami ng followers niya, at ang kanyang pakikipagmeet-up sa look-alike ay lalong nagpaantig sa netizens.
(Larawan: Facebook)
