Vlog Reveal: Bea Borres, magiging mommy Na
Gerald Ericka Severino Ipinost noong 2025-08-12 13:17:21
Manila — Umugong sa social media ang pangalan ng vlogger at influencer na si Bea Borres matapos ibulgar sa kanyang bagong YouTube vlog na “Finding Out I’m Pregnant + Friends Reactions” na siya ay buntis na!
Sa video, makikitang emosyonal si Bea habang ikinukwento ang sandaling nalaman niya ang balitang magbabago sa kanyang buhay. Sunod-sunod din niyang pinakita ang mga reaksyon ng kanyang mga kaibigan—mula sa napasigaw, napaiyak, hanggang sa napangiti sa tuwa.
Agad namang bumuhos ang suporta mula sa mga fans at netizens. “Proud of you, Bea!” at “Congrats, mommy!” ang ilan sa mga mensaheng iniwan sa comment section.
Hindi pa naglalabas ng kompletong detalye si Bea tungkol sa kanyang pagbubuntis, pero malinaw na mas pinili niyang maging open sa kanyang supporters at ibahagi ang mas personal na bahagi ng kanyang buhay.
Ang nasabing vlog ay ilang oras pa lang mula nang i-upload pero trending na agad sa YouTube at pinagpipiyestahan sa Facebook, TikTok, at Instagram.
Screenshot mula sa Youtube
