JM at Fyang, ibinunyag ang susunod na proyekto sa Are You G
Margret Dianne Fermin Ipinost noong 2025-08-15 09:52:39
MAYNILA — Hindi mapigilan ang kilig vibes sa interview nina JM Ibarra at Fyang Smith sa Are You G hosted by MJ Felipe, kung saan naging highlight ang kanilang chemistry on and off cam.
Matapos ang tagumpay ng kanilang iWantTFC series na Ghosting, ibinahagi ni JM ang kanyang saya, “Sobrang unexplainable po ng happiness, kasi pangarap po namin ni Fianco. Binibigay po talaga namin lahat.” Kinabahan naman si Fyang noong malaman niyang magkakaroon sila ng lead roles, “First time ko po talaga. Tanong ako nang tanong sa tabi niya kung ano’ng gagawin ko. Kinakabahan po talaga.”
Nagpalitan ng mas matinding kilig lines ang dalawa nang tanungin ni MJ si JM kung masaya ba siya kay Fyang. “Masaya lang ako, everything, nakasama ko siya. Kahit wala kami sa industriya, hindi ako mawawala sa tabi niya. Iga-guide at iga-guide ko pa rin,” sagot ni JM.
Tugon naman ni Fyang, “Love kita, remember? Super love.” Ibinahagi rin ni Fyang kung gaano kalaki ang naitulong sa kanya ni JM, “Grabe yung help niya sa akin… sa growth ko din, as a person. Lalo na kung paano ko ma-maintain yung pagiging mabuting tao.”
Sa larong “G or Ghost,” inamin nilang pareho silang “ghost” sa ideyang dating na walang label. “Mapapatanong ka talaga, ano ba itong ginagawa natin kung walang commitment?” sabi ni JM. Sa huli, nagbigay sila ng lesson mula sa Ghosting, sabi ni JM, “Huwag tayong magmadali sa pag-ibig. Kusang darating ‘yan.”
Ayon kay MJ, ang natural na kulitan at tuksuhan ng dalawa ay palatandaan ng tunay na closeness, “Hindi tayo makakabitaw ng ganong klaseng hirit kung hindi tayo close sa tao.” Ibinunyag rin nina JM at Fyang ang susunod nilang proyekto, Shake, Rattle, and Roll. Sa dami ng kilig at suporta sa isa’t isa, maraming fans ang umaasang may Part 2 pa—sa screen man o sa totoong buhay.
Larawan mula sa TFC
