Diskurso PH
Translate the website into your language:

Tingnan: Mga pugad ng buwaya, natuklasan sa Canipaan River, Palawan

Robel A. AlmoguerraIpinost noong 2025-11-13 22:46:46 Tingnan: Mga pugad ng buwaya, natuklasan sa Canipaan River, Palawan

PALAWAN, Philippines — Natuklasan ng mga tauhan ng Philippine Croc ang ilang pugad ng buwaya na naglalaman ng mga itlog at bagong pisang hatchlings sa Canipaan River sa bayan ng Rizal, Palawan, nitong Huwebes, Nobyembre 13.

Ayon sa grupo, bahagi ito ng kanilang isinasagawang Crocodile Nest Survey, na may layuning matukoy at maitala ang mga pangunahing nesting sites ng mga buwaya sa rehiyon. Sa pamamagitan nito, makakalap ng mahahalagang datos tungkol sa populasyon ng mga ligaw na buwaya at matutukoy ang mga lugar na kailangang protektahan laban sa posibleng pagkasira ng tirahan ng mga ito.

Dagdag pa ng Philippine Croc, malaking hakbang ito sa pagpapatibay ng mga programa sa konserbasyon ng buwaya sa Palawan, na itinuturing na isa sa mga natitirang tirahan ng critically endangered Philippine crocodile.

Nagpaalala rin ang grupo sa publiko na igalang at huwag gambalain ang mga pugad o habitat ng mga buwaya upang hindi maantala ang natural na proseso ng pagpaparami at upang mapanatili ang balanse ng ekosistema sa lugar. (Larawan: Philippine Croc / Facebook)