Diskurso PH
Translate the website into your language:

DOF Secretary Ralph Recto, Siniguro ang Pondo para sa Service Recognition Incentive (SRI) sa 2024

Systems AdministratorIpinost noong 2024-12-17 19:44:10 DOF Secretary Ralph Recto, Siniguro ang Pondo para sa Service Recognition Incentive (SRI) sa 2024

Matagumpay na nakakalap ang Department of Finance (DOF) sa pangunguna ni Secretary Ralph Recto ng kinakailangang pondo para sa Service Recognition Incentive (SRI) na hindi lalampas sa PHP 20,000 para sa lahat ng kuwalipikadong kawani ng pamahalaan sa taong 2024.

Ang SRI ay pagkilala sa dedikasyon at sakripisyo ng mga kawani ng gobyerno tulad ng mga guro, sundalo, at iba pang unipormadong tauhan ng gobyerno na patuloy na pagbibigay ng serbisyo publiko sa kabila ng iba’t ibang hamon. Simula Disyembre 15, 2024, matatanggap ng mga kuwalipikadong empleyado ang SRI alinsunod sa Administrative Order (AO) No. 27 na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. noong Disyembre 12, 2024.

Dahil sa maayos na revenue generation efforts ng ahensya, inaasahang mahihigitan ng DOF ang target nito para sa 2024. Ang mga dagdag na pondo ay makakatulong sa pagtustos ng mga pangunahing programa at proyekto ng administrasyon, kabilang na ang SRI para sa mga kawani ng gobyerno.

Ayon sa DOF, inaasahang aabot sa PHP 4.42 trilyon ang kabuuang koleksyon ng kita para sa 2024, na higit na mataas sa full-year target na PHP 4.27 trilyon. Bukod dito, ang inaasahang kita bilang porsyento ng Gross Domestic Product (GDP) ay aabot sa 16.7%, ang pinakamataas sa nakalipas na 27 taon.

PHOTO COURTESY:Department of Finance