Truck na may kargang helicopter muntik tumama sa tulay, nagdulot ng trapik sa EDSA
Marijo Farah A. Benitez Ipinost noong 2025-04-30 20:03:27
ABRIL 30, 2025 — Nagdulot ng matinding trapik sa EDSA-Balintawak ang isang truck na may kargang helicopter nang halos sumayad ito sa isang overpass madaling araw ng Linggo. Sumugod ang mga awtoridad para ayusin ang sitwasyon.
Ipinakita sa mga video mula sa mga saksi na tumigil ang truck sa harap ng tulay dahil sobrang taas ng kargang nitong helicopter. Agad na tinulungan ng mga tauhan ng MMDA ang drayber para paatrasin ang sasakyan at maiwasan ang mas malalang traffic.
Ayon sa ulat, papunta sana ang truck sa Subic ngunit nagkamali ito ng daan bago nangyari ang insidente.
Kinumpirma ng MMDA Eagle Base na pinaikot ang drayber patungong A. Bonifacio Avenue para makapasok sa NLEX. Nawala rin ang traffic sa loob ng isang oras. Walang nasugatan o nasirang ari-arian sa pangyayari.
(Larawan: Facebook)
