Diskurso PH
Translate the website into your language:

'You tell me': Moto vlogger Yanna, nag-sorry na matapos ang viral road rage

Margret Dianne FerminIpinost noong 2025-05-02 09:25:12 'You tell me': Moto vlogger Yanna, nag-sorry na matapos ang viral road rage

2 Mayo 2025 — Naglabas ng public apology ang moto vlogger na si Yanna kaugnay ng viral road rage incident sa Zambales na umani ng matinding batikos at panawagang siya ay kasuhan.

Sa isang video na ipinost sa kanyang opisyal na Facebook page, ipinahayag ni Yanna ang kanyang pagsisisi sa naging asal sa gitna ng alitan nila ng motorista na si Jimmy Pascual.

Aniya, "Growth is to be accountable. Earlier, di po namin naabutan si Kuya Jimmy Pascual sa bahay niya at sa work niya to personally apologize. So, I would like to take this opportunity to say sorry to Kuya Jimmy for what I've caused."

Pinalawak pa ni Yanna ang kanyang paghingi ng tawad sa ibang naapektuhan sa insidente: "And, of course, as well as to those people who got dragged into the issue. Sorry din po sa citizen of Zambales, the riding community, especially the off-road community. This issue is all on me. I'm still learning. This one especially, the hard way."

Tinapos niya ang kanyang pahayag sa pangakong magiging mas responsable sa susunod: "I promise to be more patient next time, especially on the road. And I'll listen to my ates."

Ang paghingi niya ng tawad ay kasunod ng pagkakalat ng video kung saan makikitang kinumpronta ni Yanna si Pascual sa isang traffic incident—itaas ang gitnang daliri, at akusahan itong hindi tumingin sa side mirror habang siya ay nag-o-overtake.

Nagbunga ang insidente ng matinding backlash at talakayan ukol sa road safety at pananagutan ng mga personalidad sa publiko.

Sa kabila ng kanyang paghingi ng tawad, inanunsyo ng anak ni Jimmy Pascual na magsasampa pa rin sila ng kaso laban kay Yanna. Lumutang din ang panukalang ideklara si Yanna bilang persona non grata sa lalawigan ng Zambales.