Diskurso PH
Translate the website into your language:

Muntinlupa Mayor Ruffy Biazon nahatulan ng graft, haharap sa pagkakakulong

Marijo Farah A. BenitezIpinost noong 2025-05-30 18:32:51 Muntinlupa Mayor Ruffy Biazon nahatulan ng graft, haharap sa pagkakakulong

MAYO 30, 2025 — Nagbigay na ng hatol ang Sandiganbayan laban kay Muntinlupa Mayor Ruffy Biazon dahil sa umano’y paglabag sa kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF) noong siya ay kongresista. Pinatawan siya ng parusang anim na taon at isang buwan hanggang walong taong pagkakakulong at permanente na ring pinagbabawalang maglingkod sa gobyerno.

Nakaligtas naman si Biazon sa kasong malversation kaugnay ng P1.95 milyon sa pork barrel scam. Habang inaapela ang hatol, mananatili pa rin siya bilang alkalde.

Sa isang pahayag, ipinangako ni Biazon na lalabanan ang hatol, at iginiit na matatag pa rin ang kanyang dedikasyon sa serbisyo publiko.

"Public service should not be derailed by noise or distraction. My commitment to Muntinlupeños stands firm — a city led with compassion, guided by vision, and focused on real solutions," aniya.

(Hindi dapat mabalaho ang serbisyo publiko dahil sa ingay o distractions. Matatag ang aking dedikasyon sa mga Muntinlupeño — isang lungsod na pinamumunuan nang may malasakit, may direksyon, at nakatuon sa tunay na solusyon.)

Iginiit ng kanyang legal team na hindi agad siya matatanggal sa pwesto at tuloy lang ang pamamahala sa Muntinlupa.

Dagdag si Biazon sa listahan ng mga opisyal na sangkot sa kontrobersiya ng PDAF, at isa na namang high-profile conviction sa long-running pork barrel scam. Ayon sa mga eksperto, maaaring maantala ang kanyang pagkakakulong dahil sa apela, pero malaking dagok pa rin ito sa kanyang karera.

 

(Larawan: Official Ruffy Biazon | YouTube)