Diskurso PH
Translate the website into your language:

FAKE NEWS ALERT: DepEd Nilinaw na Peke Ang Kumakalat na Ai Video na Walang Pasok Bukas, Hulyo 28, 2025.

Robel A. AlmoguerraIpinost noong 2025-07-27 18:10:54 FAKE NEWS ALERT: DepEd Nilinaw na Peke Ang Kumakalat na Ai Video na Walang Pasok Bukas, Hulyo 28, 2025.

MAYNILA — Naglabas ng babala ang Department of Education (DepEd) laban sa kumakalat na AI-generated video mula sa isang Facebook page na nagsasabing suspendido umano ang klase sa darating na Hulyo 28.

Mariing itinanggi ng DepEd ang nasabing impormasyon at binigyang-diin na ito ay peke. Wala umanong opisyal na anunsiyo mula sa ahensya ukol sa suspensyon ng klase sa nabanggit na petsa.

"Maging mapanuri sa mga balita at impormasyon na inyong natatanggap online. Siguraduhing sa mga opisyal na DepEd social media accounts lamang kumuha ng impormasyon," paalala ng ahensya.

Ang maling impormasyon ay isang seryosong banta sa kaayusan at paghahanda ng mga estudyante, magulang, at guro. Kaya’t nanawagan ang DepEd sa publiko na i-report ang mga ganitong uri ng content upang maiwasan ang pagkalat ng fake news.

Para sa verified na impormasyon tungkol sa basic education, bisitahin lamang ang opisyal na Facebook at X (Twitter) accounts ng DepEd Philippines.

(Larawan mula sa DepEd Fb)