Emergency rooms sa Ospital ng Maynila, umaapaw na rin! Narito ang ibang ospital na pwedeng matakbuhan
Marijo Farah A. Benitez Ipinost noong 2025-08-07 16:02:25
AGOSTO 7, 2025 — Sumobra na sa kapasidad ang emergency room ng Ospital ng Maynila nitong Miyerkules dahil sa dagsa ng mga pasyente. Naglabas ng abiso ang ospital at humingi ng pang-unawa sa publiko habang hinikayat ang mga tao na pumunta muna sa ibang pasilidad.
“Magpapatuloy ang lahat ng serbisyo ng ospital ngunit humihingi kami ng paumanhin sa kawalan ng lugar para sa mga darating pang pasyente o mailipat sa ibang LGU hospital,” ayon sa pahayag ng Ospital ng Maynila.
Samantala, kamakailan ay nagdeklara rin ng overcapacity ang PGH at nagsabing bukas pa rin ang kanilang emergency room para lamang sa mga kritikal na kaso, ngunit pinaprioridad na ang may malulubhang kondisyon.
Inirekomenda ng Department of Health (DOH) ang mga sumusunod na ospital sa Metro Manila na handang tumanggap ng pasyente:
Caloocan
Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital
Las Piñas:
Las Piñas General Hospital
Malabon:
San Lorenzo Ruiz General Hospital
Mandaluyong:
National Center for Mental Health
Manila:
Jose Fabella Memorial Hospital
Jose R. Reyes Memorial Medical Center
San Lazaro Hospital
Tondo Medical Center
Marikina:
Amang Rodriguez Memorial Medical Center
Muntinlupa:
Research Institute for Tropical Medicine
Pasig:
Rizal Medical Center
Quezon City:
East Avenue Medical Center
National Children's Hospital
Philippine Orthopedic Center
Quirino Memorial Medical Center
Valenzuela:
Valenzuela Medical Center
Kasama rin sa listahan ang mga GOCC hospitals:
Lung Center of the Philippines
National Kidney and Transplant Institute
Philippine Heart Center
Philippine Children's Medical Center
Pinapaalalahanan ng DOH ang publiko na mag-double-check sa availability bago pumunta sa mga nabanggit na ospital. Dagdag pa nila, mahalaga ang kooperasyon ng lahat para matugunan ang agarang pangangailangan ng mga pasyente.
(Larawan: Philippine News Agency)
