Klase sa ilang lugar, suspendido ngayong Agosto 28, 2025
Robel A. Almoguerra Ipinost noong 2025-08-28 00:30:47
MANILA — Suspendido ang pasok sa klase sa ilang lugar ngayong Huwebes, Agosto 28, 2025, bunsod ng masamang panahon at selebrasyon ng mga lokal na kapistahan.
Ayon sa mga abiso mula sa mga lokal na pamahalaan, kabilang sa mga lugar na nagkansela ng klase ang mga sumusunod:
Bukidnon
• Valencia – lahat ng antasCavite
• Tanza – lahat ng antas, pampubliko at pribadoIloilo
• Dumangas – lahat ng antas, pampubliko at pribadoNegros Occidental
• (may nakatakdang suspensyon sa piling bayan ayon sa abiso ng LGU)
Pinapayuhan ang mga estudyante, guro, at magulang na makipag-ugnayan sa kani-kanilang lokal na pamahalaan at paaralan para sa karagdagang impormasyon at posibleng dagdag na anunsyo.
Samantala, hinimok din ng Department of Education (DepEd) at ng mga lokal na Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO) ang publiko na manatiling alerto at laging mag-monitor ng ulat-panahon mula sa PAGASA, lalo na’t patuloy na nakararanas ng pag-ulan ang ilang bahagi ng bansa.