Diskurso PH
Translate the website into your language:

Good News! Bagong sleeping quarters sa NAIA Terminal 3, ipinasilip

Robel A. AlmoguerraIpinost noong 2025-09-01 22:07:32 Good News! Bagong sleeping quarters sa NAIA Terminal 3, ipinasilip

PASAY CITY — Upang mas mapagaan ang biyahe at paghihintay ng mga Overseas Filipino Worker (OFW), ipinasilip ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator PY Caunan ang bagong sleeping quarters na bubuksan sa OFW Lounge sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Ayon kay Caunan, inaasahang magsisimula nang magamit ngayong Setyembre ang pasilidad na may 20-bed capacity at may kasamang sariling shower areas. Layunin nitong bigyan ng komportableng lugar ang mga OFW na madalas ay kailangang maghintay ng ilang oras, o kahit magdamag, bago makasakay sa kanilang mga flight.

Malugod namang tinanggap ng mga OFW groups ang inisyatibong ito, dahil matagal na nilang hiling na magkaroon ng ligtas at maayos na lugar kung saan makakapahinga bago bumiyahe. Dagdag pa rito, inaasahan na magiging malaking tulong din ito sa mga returning OFWs na kadalasang pagod mula sa mahabang biyahe.

Bukod sa sleeping quarters, tiniyak ng OWWA na patuloy silang maghahanap ng paraan upang mas mapabuti ang serbisyo at kapakanan ng mga bagong bayani. Plano rin nilang palawakin pa ang mga pasilidad sa iba pang terminal ng NAIA sa hinaharap.

Ang pagbubukas ng pasilidad ay nakikitang konkretong hakbang ng pamahalaan sa pagbibigay ng malasakit at pagkilala sa sakripisyo ng mga OFW, na patuloy na itinuturing na haligi ng ekonomiya ng bansa. (Larawan: Google)