Curlee Discaya kumanta na! Arjo Atayde, iba pang kongresista kasama sa listahan ng tumanggap ng pera mula sa DPWH projects
Margret Dianne Fermin Ipinost noong 2025-09-08 11:35:32
MANILA — Umugong ang Senado ngayong araw matapos isiwalat ni Pacifico “Curlee” Discaya II, tinaguriang “Hari ng Flood Control,” ang umano’y listahan ng mga mambabatas at opisyal ng gobyerno na sangkot sa kontrobersyal na kickback scheme sa mga proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Sa kanyang sinumpaang salaysay, ibinunyag ni Discaya na humihingi umano ng porsyento ang ilang politiko mula sa mga kontraktor ng flood control projects. Kapalit nito, hindi umano maaantala ang implementasyon ng kanilang mga kontrata.
“Napalitan, ang hinihingi nilang prosyento ay hindi bababa sa 10% at umaabot sa 25%, na naging kondisyon upang hindi maipit ang implementation ng kontrata,” pahayag ni Discaya sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee.
Dagdag pa niya, ang mga bayad umano ay ibinibigay nang cash at may kasamang voucher at ledger na nagsisilbing ebidensya kung kailan tinanggap ng mga opisyal ang pera.
Mga Binanggit na Pangalan
Narito ang kumpletong listahan ng mga politiko at opisyal na pinangalanan ni Discaya sa kanyang sworn statement:
- Terence Calatrava – dating Undersecretary, Office of the Presidential Assistant for the Visayas
- Cong. Roman Romolo – Pasig City
- Cong. Jojo Ang – Uzbag Ilongo Partylist
- Cong. Patrick Michael Vargas – Quezon City
- Cong. Juan Carlos “Arjo” Atayde – Quezon City
- Cong. Nicanor Briones – AGAP Partylist
- Cong. Marcelino Marcito Doro – Marikina
- Cong. Florinda Robes – San Jose Del Monte, Bulacan
- Cong. Eleandro Jesus Madrona – Romblon
- Cong. Benjamin “Benji” Aguero Jr.
- Cong. Florencio Gabriel “Bem” Noel – Angwaray Partylist
- Cong. Ote Tariela – Occidental Mindoro
- Cong. Reynante “Reynan” Arogancia – Quezon Province
- Cong. Marvin Rillo – Quezon City
- Cong. Teodoro Jarezco – Aklan
- Cong. Antonieta Yodela – Sambuanga Cebu
- Cong. Dean Asistio – Caloocan
- Cong. Marivic Copilar – Quezon City
Ayon kay Discaya, matagal nang umiiral ang sistemang ito ng “kickback” sa DPWH. Diumano, ito ang dahilan kung bakit hindi nagiging sapat ang pondo para sa mga proyekto, habang patuloy na nagdurusa ang mga mamamayan sa mabagal na pag-usad ng imprastraktura.
Inihayag naman ng Senate Blue Ribbon Committee na ipatatawag ang mga nabanggit na mambabatas upang humarap sa susunod na pagdinig at sagutin ang mga paratang.