Diskurso PH
Translate the website into your language:

Isang high value individual, arestado sa isang buy-buys operation sa Lucena City

Robel A. AlmoguerraIpinost noong 2025-09-13 01:26:00 Isang high value individual, arestado sa isang buy-buys operation sa Lucena City

LUCENA CITY — Arestado ang isang High Value Individual (HVI) sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Purok Bagong Silang, Barangay Cotta, Lucena City.

Nakumpiska mula sa suspek ang isang sachet ng hinihinalang shabu na may tinatayang halagang ₱754,800, at isang sachet ng hinihinalang marijuana na nagkakahalaga ng ₱32,400.

Kinilala ng mga pulis ang suspek bilang kabilang sa mga high-value targets sa kampanya laban sa ilegal na droga sa lungsod.

Ayon sa mga imbestigador, matagumpay ang operasyon matapos makumpirma ang transaksiyon ng droga. Dinala na sa kustodiya ng pulisya ang suspek at inihahanda na ang mga kasong isasampa laban sa kanya, kabilang ang paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Patuloy namang pinaigting ng kapulisan ang kanilang operasyon laban sa mga drug personality sa Quezon Province, bilang bahagi ng kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga. (Larawan: Quezon Province News and Updates / Fb)