'Pasensya na, tao lang po!' Rep. Garbin, nag-sorry matapos mapamura sa live interview
Gerald Ericka Severino Ipinost noong 2025-09-09 19:22:15
Setyembre 9, 2025 – Humingi ng paumanhin si Ako Bicol party-list Rep. Alfredo Garbin Jr. matapos hindi sinasadyang makapagmura habang nasa live interview nitong Lunes, Setyembre 8.
Sa gitna ng panayam tungkol sa kalagayan ng kapartido niyang si Rep. Zaldy Co, biglang narinig ang pagbigkas ng kongresista ng malutong na “Put*ng-ina.” Hindi umano nito namalayan na naka-live na siya.
Nang mabanggit ang mura, agad siyang sinabihan na nasa ere na, dahilan upang agad siyang humingi ng paumanhin.
Sa isang pahayag, nilinaw ni Garbin na aksidente ang nangyari. Aniya, naglalakad umano siya at natapilok kaya siya napamura.
“Pasensya na, tao lang po! I sincerely apologize for the curse word that was caught right after my live interview,” ani Garbin.
“The stumble startled me, and in that unguarded moment, I blurted out a curse word — something I usually say in private and never intended for the public to hear,” dagdag pa niya.
Tiniyak din ng kongresista na magiging mas maingat siya sa mga susunod na pagkakataon upang hindi na maulit ang insidente.
Si Rep. Zaldy Co, na kinakamusta sana sa panayam, ay nasasangkot sa mga alegasyon ng katiwalian kaugnay ng mga flood control projects na kasalukuyang iniimbestigahan. Ayon sa ilang ulat, kasalukuyan siyang nasa ibang bansa para sa medikal na gamutan.
Larawan mula sa screenshot One Ph