Diskurso PH
Translate the website into your language:

Laguna 4th district Congressman Agarao, nagpahayag ng Press statement kaugnay sa 25% kickbak

Ana Linda C. RosasIpinost noong 2025-09-09 19:06:36 Laguna 4th district Congressman Agarao, nagpahayag ng Press statement kaugnay sa 25% kickbak

Sta Cruz, Laguna–  Nadawit ang pangalan ni Cong. Benjie Agarao Jr, kinatawan ng ika-4 na Distrito ng Laguna, matapos akusahan ng mag-asawa Curlee at Sarah Discaya na umano’y nanghingi ng 25% kickback kapalit ng isang flood control project sa kanilang lugar.


Naging maiinit na usapin sa  ika-apat na distrito ng Laguna ang pagkaka sangkot ng pangalan ni Congressman  Benjie Agarao sa Senate hearing -kaugnay  sa pahayag ng mag asawang Discaya. Umani ng negatibong komento mula sa ibat ibang platform ng social media.


 May nagpahayag ng matindig galit at pagka dismaya, tinitiyak ang malaking epekto nito sa kanyang integridad bilang kinatawan. Sa kabila nito ay may mga supporters pa rin nananatili ang tiwala at suporta  sa kongresista.


Ayon sa ilang netizen na nagpahayag ng saloobin - na hindi ito ang unang beses na pagkakadawit ni Congressman Agarao sa mga ma anomalyang akitibidad. 


Noong 2015 sa kainitan ng isyung  PDAF (Priority Development Assistance Fund)   pork barrel scam kaugnay  si  Janet Napoles ay nasangkot din si Cong, Agarao sa di umanoy  mga ghost project sa kanyang distrito.


At ngayon ay humaharap sa panibagong  isyu ng korupsyon partikular ang 25% kickback to proceed the flood control project - na hinayag ng mag asawang Discaya sa Senado.


Gayunpaman, mahigpit na pinabulaanan ni Cong. Agarao ang naturang  paratang sa kanyang  press statement; 

I categorically deny the allegations of The Spouses Discaya that I asked money from them in exchange for projects in my district in Laguna. HINDI PO YAN TOTOO. WALA PO SILANG PROYEKTO SA AKING DISTRITO.

I am consulting my lawyers. I will sue them for libel and perjury. Hindi ko hahayaan na sirain nila ng ganun lang ang pangalan at reputasyon ko na iningatan ko ng mahabang panahon.”

Aniya, wala siyang kinalaman sa anumang kickback o anomalya sa flood control project at tinawag niyang malisyoso at gawa-gawa ang mga paratang. Dagdag pa ng mambabatas, handa siyang makipagtulungan sa anumang imbestigasyon upang mapatunayan ang kanyang panig.

“Hindi ako sangkot sa anumang ilegal na transaksyon. Ang layunin ko ay maihatid ang proyekto para sa mga mamamayan ng Laguna,” ayon kay Agarao.

Sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag ang mga ahensyang sangkot sa proyekto, ngunit inaasahang magsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga kinauukulang tanggapan upang alamin kung may basehan ang akusasyon laban sa kongresista.

Legal at Political Implications

Kung mapapatunayan, ang alegasyon laban kay Agarao ay maaaring humantong sa kasong kriminal gaya ng graft and corruption at malversation of public funds alinsunod sa Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act. Maaari rin itong magresulta sa pagsasampa ng ethics complaint sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, na may kapangyarihang magpataw ng parusang suspensyon o expulsion sa mga miyembro.

Larawan/facebook