Quezon 3rd District Rep. Reynante Arrogancia, naglabas ng pahayag ukol sa alegasyon ng mga Discaya
Robel A. Almoguerra Ipinost noong 2025-09-09 00:59:03
QUEZON — Naglabas ng opisyal na pahayag si Quezon 3rd District Rep. Reynante U. Arrogancia hinggil sa isinagawang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ngayong Lunes, Setyembre 8, 2025, na tumalakay sa umano’y anomalya sa mga flood control projects.
Sa kanyang pahayag, iginiit ni Arrogancia na malinaw ang kanyang konsensya at wala siyang kinalaman sa anumang katiwalian na binanggit sa pagdinig. Aniya, handa siyang makipagtulungan sa anumang imbestigasyon upang maipakita ang katotohanan.
Ang pagdinig ay mahalagang hakbang upang mailantad ang mga iregularidad at mapanagot ang mga tunay na responsable. Umapela rin siya na huwag basta-basta maniwala sa mga alegasyon nang walang matibay na ebidensya.
Samantala, patuloy pa rin silang kumokontak sa iba pang mga opisyal na pinangalanan ng mag-asawang Discaya upang kunin ang kanilang panig kaugnay ng isyu.
Inaasahan na magpapatuloy ang imbestigasyon sa Senado sa mga susunod na araw upang masuri ang lawak ng sinasabing anomalya sa bilyon-bilyong pisong flood control projects sa iba’t ibang bahagi ng bansa. (Larawan: Reynan Arrogancia / Fb)