Diskurso PH
Translate the website into your language:

Fake news? DOF, nilinaw na walang P28.7-B loan mula sa South Korea

Robel A. AlmoguerraIpinost noong 2025-09-10 19:23:45 Fake news? DOF, nilinaw na walang P28.7-B loan mula sa South Korea

MANILA, Philippines — Nilinaw ng Department of Finance (DOF) na walang katotohanan ang ulat na kinansela ng South Korea ang umano’y P28.7-bilyong infrastructure loan para sa Pilipinas dahil sa isyu ng korapsyon.

Sa inilabas na pahayag nitong Miyerkules, sinabi ng DOF na wala talagang ganoong kasunduan. Ang paglilinaw ay kasunod ng mga ulat mula sa midya na nagsasabing inanunsyo umano ni South Korean President Lee Jae-myung ang pagpapatigil ng nasabing loan dahil sa “potensyal para sa korapsyon.”

“There is no such loan,” ayon sa DOF. “Nevertheless, we reaffirm to our bilateral partners that the Philippine government will match their trust and confidence with full transparency and accountability.”

Dagdag pa ng ahensya, patuloy nilang pinahahalagahan ang tiwala ng mga kasosyong bansa at tiniyak na ang lahat ng kasunduan sa pananalapi at imprastruktura ay isasagawa sa ilalim ng prinsipyo ng transparency at accountability.

Bagama’t hindi malinaw kung saan nagsimula ang ulat tungkol sa umano’y kanseladong loan, iginiit ng DOF na walang dapat ipag-alala ang publiko at mga dayuhang kasosyo hinggil sa integridad ng mga proyekto ng pamahalaan.

Ang paglilinaw na ito ay bahagi ng mas malawak na pagsisikap ng administrasyon na palakasin ang tiwala ng mga dayuhang investor at partner countries, lalo na sa usapin ng imprastruktura at ekonomiyang panlipunan. (Larawan: DOF / Google)