De Lima, walang utang — ₱10.78M net worth idineklara sa pinakabagong SALN
Margret Dianne Fermin Ipinost noong 2025-10-24 16:55:12
MANILA — Mamamayang Liberal party-list Representative Leila de Lima ay naglabas ng kanyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) nitong Oktubre 24, kung saan idineklara niya ang kabuuang net worth na ₱10.78 milyon bilang ng Hulyo 2025.
Ayon sa dokumento, kabilang sa kanyang mga ari-arian ang ₱1.49 milyon halaga ng real properties — binubuo ng pitong agricultural land — at ₱9.29 milyon halaga ng personal assets. Kabilang sa mga personal properties ni De Lima ang:
- ₱900,000 sa private insurance
- ₱850,000 halaga ng furniture
- ₱535,000 halaga ng appliances
- ₱1.09 milyon para sa Mitsubishi Estrada
- ₱1.564 milyon para sa Mitsubishi Montero
- ₱3.1 milyon halaga ng alahas
- ₱1.251 milyon cash on hand at bank deposits
Wala siyang idineklarang liabilities, at walang kamag-anak na nakatalaga sa gobyerno, negosyo, o transaksyong may kaugnayan sa pamahalaan.
Nanindigan si De Lima sa kahalagahan ng transparency sa mga opisyal ng gobyerno. “Hindi naman talaga dapat itinatago at pahirapan ang pagsasapubliko ng SALN,” aniya. “That’s why, along with our fellow Liberal Party (LP) lawmakers in the House of Representatives, we are pushing for the mandatory disclosure of the SALNs of all public officials”.
Ang hakbang na ito ay bahagi ng kampanya ng Liberal Party para sa mas bukas at tapat na pamahalaan sa gitna ng mga isyu ng katiwalian.
