Diskurso PH
Translate the website into your language:

Tingnan: Bagong ‘patient transport vehicle’, ipinagkaloob sa Munisipalidad ng Lubao, Pampanga

Robel A. AlmoguerraIpinost noong 2025-11-21 23:22:14 Tingnan: Bagong ‘patient transport vehicle’, ipinagkaloob sa Munisipalidad ng Lubao, Pampanga

PAMPANGA Mas mapapalakas na ang serbisyong pangkalusugan at agarang pagtugon sa mga emergency sa bayan ng Lubao, Pampanga, matapos ipagkaloob ang isang brand-new Patient Transport Vehicle (PTV) sa lokal na pamahalaan.

Ang naturang sasakyan ay magsisilbing bahagi ng medical transport at emergency response ng bayan, na makatutulong sa mas mabilis at mas ligtas na pagdadala ng mga pasyente sa mga pampubliko at pribadong pagamutan, lalo na sa mga lugar na malayo sa sentro.

Nagpaabot ng pasasalamat si Mayor Esmie Pineda kina PAGCOR Chairman Al Tengco at Nanay Partylist Representative Florabel “Bem” Yatco sa kanilang patuloy na suporta at malasakit para sa mga taga-Lubao.

Inaasahan ng lokal na pamahalaan na sa pamamagitan ng bagong PTV, lalong mapabibilis at mapabubuti ang serbisyong pangkalusugan, partikular sa pag-responde sa mga aksidente, medical emergencies, at transportasyon ng mga pasyente na nangangailangan ng agarang atensyong medikal. (Larawan: Pampanga News Now / Facebook)