Diskurso PH
Translate the website into your language:

AFP, muling iginiit: Walang lugar ang military intervention sa pagbabago ng pamahalaan

Margret Dianne FerminIpinost noong 2025-11-24 09:14:40 AFP, muling iginiit: Walang lugar ang military intervention sa pagbabago ng pamahalaan

Nobyembre 24 - Muling iginiit ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang pagtutol sa anumang panawagan para sa military intervention at paggamit ng mga unconstitutional means upang baguhin ang pamahalaan, kasabay ng nalalapit na mga protesta laban sa katiwalian sa Nobyembre 30.

Sa opisyal na pahayag na inilabas sa kanilang Facebook page, binigyang-diin ng AFP na nananatili itong isang “professional, disciplined, and non-partisan institution committed to serving the people and protecting the Republic.” 

Dagdag pa ng militar: “We believe that the fight against corruption must be pursued through constitutional, transparent, and lawful processes – never through force, intimidation, or military intervention.”

Ayon sa AFP, ang kanilang pangunahing tungkulin ay “to defend the nation, uphold democratic institutions, and safeguard the peace.” Hinikayat din nila ang kanilang mga tauhan at ang publiko na magkaisa sa pagtutol sa anumang uri ng military intervention. 

“Our duty is to defend the nation, uphold democratic institutions, and safeguard the peace. We urge our personnel and fellow Filipinos to unite in saying no to military intervention,” dagdag ng pahayag.

Kasabay nito, muling tiniyak ng AFP na ang kanilang lakas ay nakasalalay sa pagiging non-partisan at sa patuloy na pagtupad sa kanilang konstitusyonal na mandato. “The military’s strength lies in its loyalty to the Constitution and its service to the Filipino people,” ayon sa kanila.

Noong Setyembre, naglabas din ng magkasanib na pahayag sina Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. at AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. upang kondenahin ang mga “politically-motivated calls” na hinihikayat ang pag-atras ng suporta ng militar sa pamahalaan. Giit nila, nananatiling matatag ang AFP sa kanilang paninindigan na manatiling non-partisan at nakatuon lamang sa pagtatanggol sa bansa.

Samantala, ipinakita rin sa isang survey ng Octa Research na karamihan sa mga Pilipino ay mariing tumututol sa anumang uri ng military intervention sa politika, na tinawag ng Department of National Defense na patunay ng pagiging “mature democracy” ng Pilipinas. 

“The public’s clear rejection of any form of military intervention in politics underscores a mature democracy and validates the AFP’s steadfast commitment to remain non-partisan and focused on defending the nation,” ayon sa DND.

Ang muling paggiit ng AFP laban sa military intervention ay nakikita bilang mahalagang hakbang upang tiyakin na ang anumang pagbabago sa pamahalaan ay dadaan sa tamang proseso ng batas at hindi sa pamamagitan ng puwersa o intimidasyon.