Diskurso PH
Translate the website into your language:

Harry Roque, nanawagan ng panalangin matapos kanselahin ang kanyang passport

Robel A. AlmoguerraIpinost noong 2025-11-24 23:33:24 Harry Roque, nanawagan ng panalangin matapos kanselahin ang kanyang passport

THE HAGUE, Netherlands — Nanawagan ng dasal at suporta si dating presidential spokesperson Harry Roque matapos ipag-utos ng Pasig City Regional Trial Court Branch 157 ang pagkansela ng kaniyang pasaporte.

Sa isang live video mula sa The Hague, sinabi ni Roque na siya ay labis na nababahala sa kaniyang kaligtasan at umaasa sa tulong ng panalangin ng publiko. “I am a creature of prayer. Hindi naman po 'ko tatagal na wala sa Pilipinas… kung hindi ako nananampalataya sa ating Panginoon,” ani Roque.

Ayon sa ulat, plano ni Roque na maghain ng motion for reconsideration upang i-apela ang desisyon ng korte at maibalik ang kanyang passport. Pinanindigan niyang sumusunod siya sa batas at umaasa sa patas na proseso ng hukuman.

Ang pagkansela ng passport ni Roque ay nagdulot ng pangamba sa publiko at sa kaniyang mga tagasuporta, lalo na’t siya ay kasalukuyang nasa ibang bansa.

Sa kabila ng hamon, nananatili si Roque na matatag at umaasa sa dasal, pananampalataya, at proseso ng hustisya upang maipaglaban ang kanyang karapatan at kaligtasan.

Patuloy na minomonitor ng kanyang legal team ang sitwasyon at handang gumawa ng hakbang upang masiguro ang kanyang proteksyon habang nakabase sa Netherlands. (Larawan: Harry Roque / Facebook)