Diskurso PH
Translate the website into your language:

‘Fits the profile of a drug addict' — VP Sara, pinayuhan si PBBM na itigil na ang pag-gaslight kay Imee

Marijo Farah A. BenitezIpinost noong 2025-11-26 11:52:55 ‘Fits the profile of a drug addict' — VP Sara, pinayuhan si PBBM na itigil na ang pag-gaslight kay Imee

NOBYEMBRE 25, 2025 — Sa patuloy na bangayan sa pagitan ng magkapatid na Marcos, muling umigting ang tensyon nang hamunin ni Vice President Sara Duterte si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na sumailalim sa drug test kung ito’y hihilingin ng publiko. Kasabay nito, binatikos niya ang umano’y “gaslighting” ng Pangulo sa mga taong nagmamalasakit sa kanya.

“Sa tingin ko ha, it fits the profile of a drug addict na gina-gaslight 'yung mga mahal nila sa buhay na kapag sinasabi nu'ng mahal nila sa buhay na may problema ka, sasabihin nila na wala akong problema, ikaw 'yung problema,” ani Duterte sa isang panayam. 

Binanggit pa ni Duterte na nakatali ang Pangulo sa kanyang panunumpa na ialay ang sarili sa bayan. 

“Nakatali 'yun sa kanyang oath. When he took the oath as President, he said there that I consecrate myself to the service of the nation. Ibig sabihin nu'n, ibinibigay niya 'yung buhay niya sa bayan,” wika niya. 

Dagdag pa niya, hindi maaaring tumanggi ang Pangulo kung mismong mamamayan ang humihiling ng drug test. Maging siya, handang sumama sa proseso. 

“Huwag siya mag-alala. Huwag siya matakot. Sasamahan ko siya. I'm sure sasamahan siya ni Senator Imee, magpapa-drug test din 'yun. At ako, kahit na kaunti na lang ang naiwan sa buhok, sige, magpapa-drug test din ako. Huwag siya matakot kasi para sa bayan naman 'yun eh,” giit ng Bise Presidente. 

Bukod sa isyu ng droga, binanatan din ni Duterte ang Pangulo kaugnay ng umano’y “budget insertions” sa General Appropriations Act. 

“Hindi ko na kailangan sabihin na kasali 'yung Pangulo diyan kasi kitang-kita, kanino bang pirma ... Ang ebidensya ng kanyang participation is 'yung pirma niya sa GAA,” aniya. 

Tinukoy pa niya ang pagpayag sa posibleng pagpasok ng International Criminal Court bilang paglabag sa Konstitusyon, at ang pagtanggi sa drug test bilang “betrayal of public trust.”

Nang tanungin kung handa siyang pumalit sakaling may mangyari sa Pangulo, diretsahan ang sagot ni Duterte. 

“There is no question about my readiness. I presented myself to you when I was a candidate for Vice President with the understanding that I am the first in line in succession,” aniya. 

(Walang tanong sa aking kahandaan. Iniharap ko ang sarili ko bilang kandidato sa pagka-Bise Presidente na may pagkaunawa na ako ang unang nasa linya ng paghalili.)



(Larawan: Philippine News Agency)