Diskurso PH
Translate the website into your language:

‘Come home, face the music’ — Sec. Dizon kay Zaldy Co; 7 pang ‘Congtractors’, kinasuhan sa Ombudsman

Robel A. AlmoguerraIpinost noong 2025-11-26 23:08:36 ‘Come home, face the music’ — Sec. Dizon kay Zaldy Co; 7 pang ‘Congtractors’, kinasuhan sa Ombudsman

MANILA, Philippines Hinamon ni Public Works and Highways Secretary Vince Dizon si dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co na umuwi sa Pilipinas at harapin ang mga kaso laban sa kanya kaugnay sa umano’y ghost at substandard flood control projects na iniugnay sa mga kongresista at contractors.

Kasunod ito ng pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na nanawagang harapin ni Co ang mga akusasyon sa halip na maglabas lamang ng pahayag sa social media.
“Lahat, kahit sino puwedeng mag-Facebook live. Ang test diyan, uuwi ba siya [Zaldy Co] o hindi? Kung uuwi siya, then sabi nga ng Pangulo, puwede tayong magkaharap-harap. Come home, face the music,” pahayag ni Dizon.

Ngayong Miyerkules, naghain ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng mga bagong kaso ng plunder, graft, at bribery laban sa ilang miyembro ng House of Representatives na umano’y may koneksyon sa mga contractor na sangkot sa anomalya.

Kabilang sa mga kinasuhan ang mga sumusunod:

  • Dating Rep. Elizaldy “Zaldy” Co

  • Rep. Edwin Gardiola

  • Rep. James Ang Jr.

  • Rep. Jernie Jett Nisay

  • Rep. Augustina Pancho

  • Rep. Joseph Lara

  • Rep. Noel Rivera

  • Rep. Francisco Matugas

Itinuturing ang grupo ng mga mambabatas na ito bilang tinatawag na “Congtractors”, dahil sa umano’y ugnayan nila sa malalaking kontrata sa flood control projects.

Ayon naman kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla, ang mga ebidensyang isinumite ng DPWH at ng Infrastructure Convergence and Intelligence (ICI) ay malaking tulong sa pagpapabilis ng pag-usad ng kaso.

Samantala, nananatiling inaabangan ng publiko kung tutugon si Zaldy Co sa hamon ng administrasyon: umuwi at harapin ang kaso. (Larawan: DPWH / Facebook)