Diskurso PH
Translate the website into your language:

Stephen Curry, nagset ng NBA record na 4,000 career 3-pointers

Mary Jane BarreraIpinost noong 2025-03-15 16:32:42 Stephen Curry, nagset ng NBA record na 4,000 career 3-pointers

ISABEL, Marso 15, 2025 — Stephen Curry muling pinatunayan ang kanyang status bilang NBA's greatest shooter matapos maging kauna-unahang player sa kasaysayan ng liga na nakaabot ng 4,000 career 3-pointers—isang milestone na naabot niya isang araw bago ang kanyang ika-37 kaarawan.

Ang historic 3-pointer ay mula sa right wing, kahit pressured, mula sa pasa ni Moses Moody at natira sa third quarter laban sa Sacramento Kings sa Chase Center. Todo sigaw ang mga fans, at ipinagdiwang ang sandali sa big screen na may congratulatory message mula kay Andris Biedrins, ang ex-Warrior na nagbigay ng assist sa unang-ever 3-pointer ni Curry noong 2009.

Sa pagninilay, tinawag ito ni Curry na isang “emotional moment,” habang binabalikan ang kanyang rookie year hanggang sa maabot ang napakalaking rekord na ito. “Really cool to kind of think back how far I've come from the first one to 4,000 (Talagang astig na isipin kung gaano kalayo ang narating ko mula sa una hanggang sa 4,000),” ani Curry.

Ramdam ang excitement ng milestone na ito sa buong laro. Na-shoot niya ang kanyang unang 3-pointer sa opening quarter at naabot ang record sa third quarter, na sobrang ikinagalak ng crowd. Biro ni Coach Steve Kerr ukol sa selebrasyon, “Maybe I’ll give him a day off (Baka bigyan ko siya ng day off),” habang ang mga kakampi ni Curry ay nagsuot ng espesyal na T-shirt bilang paggunita sa accomplishment.

Binago ni Curry ang laro ng basketball gamit ang kanyang kakaibang shooting skills na nagbibigay inspirasyon sa henerasyon ng mga player at muling binibigyang depinisyon kung ano ang posible sa basketball. Habang patuloy siyang namamayagpag sa kanyang ika-16 na NBA season, mga contenders tulad nina James Harden at Damian Lillard, na nasa 3,000s, ay maaaring umabot din sa 4,000 balang araw. Ngunit sa ngayon, si Curry ang nag-iisa, at ang kanyang journey ay isang selebrasyon ng greatness na sinusuportahan ng fans, players, at coaches sa buong mundo.

Larawan: Stephen Curry/Facebook