Pinay Mompreneurs, Gamit ang Gemini para Palakasin ang Kanilang Negosyo
Mary Jane Barrera Ipinost noong 2025-03-14 22:21:44
ISABEL, Marso 14, 2025 — Isang malaking boost para sa mga women entrepreneurs, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI), as of 2024, 60% ng rehistradong micro, small, at medium enterprises (MSMEs) sa Pilipinas ay pagmamay-ari at pinapatakbo ng kababaihan. Sa gitna ng kanilang mga hamon sa pagba-balanse ng negosyo at household responsibilities, ang artificial intelligence (AI) ay nagiging game-changer sa pagpapadali ng mga gawain at pagpapahusay ng efficiency.
Nag-aalok ang suite ng AI tools ng Google ng praktikal na solusyon na naaayon sa pangangailangan ng mga modern-day "Pinay mompreneurs." Sa tulong ng mga tools na ito, mas madali na ang paggawa ng content, paglikha ng visuals, at pamamahala sa daily operations.
Para sa visual content needs, pinapadali ng Whisk at ImageFX ng Google ang paggawa ng mga larawan—ginagamit ng Whisk ang existing images bilang prompts, samantalang ang ImageFX ay lumilikha ng mga bagong images mula sa text descriptions. Samantala, ang Gemini ay nagsisilbing AI-powered assistant na kayang tumulong sa iba’t ibang gawain, mula brainstorming ng ideas hanggang sa pag-organize ng workflow.
Para mas ma-maximize ng entrepreneurs ang benepisyo ng AI, ito ang limang pangunahing paraan kung paano nakakatulong ang Gemini sa negosyo:
Brainstorming at Creative Support – Nagbibigay ng fresh ideas para sa campaigns, product launches, at brand strategies, na parang may 24/7 marketing consultant ka.
Effortless Copywriting at Editorial Assistance – Tumutulong ang AI tool sa paggawa ng engaging social media posts, website content, at email campaigns para siguraduhing consistent at high-quality ang mensahe.
Instant Access sa Market Insights – Sa pamamagitan ng real-time analysis, mabilis na nakapagbibigay ng competitive analysis at mga industry trends si Gemini para sa informed decisions.
Business Growth Strategies – Nagmumungkahi ang AI ng innovative na paraan para palawakin ang reach, i-optimize ang operations, at tuklasin ang bagong business opportunities.
Document Summarization at Idea Extraction – Pinapadali ang research sa pamamagitan ng pag-summarize ng mahahabang reports, pagkuha ng key insights, at pagbibigay ng actionable recommendations.
Bilang suporta sa mga mompreneurs sa paggamit ng AI, nag-host ang Google ng Gemini Academy workshop noong March 5. Dito ibinahagi ng mga eksperto ang best practices sa paggamit ng Gemini, Whisk, at ImageFX para mapahusay ang productivity at work-life balance.
"Balancing many responsibilities is a reality for mompreneurs. Google's generative AI tools – Gemini, Whisk, and ImageFX – are designed to reclaim valuable time. With Gemini acting as a powerful assistant and Whisk and ImageFX enabling stunning visual creation, we hope to empower more people to achieve greater efficiency, both personally and professionally (Ang pagba-balanse ng maraming responsibilidad ay isang realidad para sa mga mompreneurs. Ang generative AI tools ng Google—Gemini, Whisk, at ImageFX—ay dinisenyo upang mabawi ang mahalagang oras. Sa tulong ng Gemini bilang isang powerful assistant, at Whisk at ImageFX para sa paglikha ng stunning visuals, layunin naming ma-empower ang mas maraming tao upang maging mas efficient, personal man o propesyonal)," pahayag ni Prep Palacios, Head of Industry sa Google Philippines.
Ayon kay Princess Alvarez, owner ng ISLA Everything Accessories, "With so many things you have to think about and accomplish in a day, with the time you have for your business you have to be efficient. AI can really help us improve our systems and be more efficient (Sa dami ng mga bagay na kailangang isipin at tapusin sa araw-araw, sa limitadong oras para sa negosyo, kailangang maging efficient. Malaking tulong ang AI sa pagpapahusay ng aming mga sistema at pagiging mas mahusay)." Tinulungan siya ng AI sa pag-analyze ng business profitability at pag-schedule ng content, kaya't nakakatipid ng oras at pera.
Samantala, ibinahagi ni Ricca del Rosario, owner ng HTP Clothing, ang kahalagahan ng AI sa business at personal life. "AI is super helpful not only for our business, but also for our personal needs. Right now I use it to help me at home with important tasks, especially with my children, allowing me to get back some time for myself (Ang AI ay napaka-kapaki-pakinabang hindi lamang para sa aming negosyo, kundi pati na rin sa aming personal na pangangailangan. Sa ngayon, ginagamit ko ito sa bahay para tumulong sa mga mahahalagang gawain, lalo na sa mga para sa aking mga anak, kaya't nagkakaroon ako ng oras para sa aking sarili)."
Sa patuloy na pag-evolve ng AI, ang mga tools gaya ng Gemini, Whisk, at ImageFX ay nagiging mahalagang katuwang ng mga kababaihang negosyante. Sa mga naghahanap ng paraan upang mapadali ang workflow, ang AI ang maaaring sagot para mas mapagtutunan ang mga bagay na mas mahalaga.
Larawan: Madiskarte Moms PH/Facebook