HRep, Suspendido ang Trabaho sa September 22 Dahil sa Bagyong Nando
Jaybee Co-Ang Ipinost noong 2025-09-22 11:09:50
Nag-anunsyo ang House of Representatives na suspendido ang trabaho at pagkansela ng mga Committee Meetings sa Lunes, September 22, 2025, alinsunod sa direktiba ni Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III. Ito ay bilang pagsunod sa Memorandum Circular No. 97 na inilabas ng Office of the President kaugnay ng work suspension sa Metro Manila dahil sa inaasahang matinding pag-ulan na dulot ng Super Typhoon “Nando” at ng pinalakas na habagat.
Gayunpaman, tuloy pa rin ang deliberasyon ng Budget Amendments Review Sub-committee ng Committee on Appropriations sa parehong araw, 10:00 a.m., sa Rolando Andaya, Sr. Hall. Nilinaw din ng Kamara na ang mga essential personnel ay inaasahang pumasok upang matiyak na hindi mapuputol ang mahahalagang operasyon.
Samantala, kanselado na ang plenary session na nakatakda sana sa September 22. Muling magbubukas ang sesyon sa Martes, September 23, 2025, ganap na 12:00 ng tanghali.
Layunin ng suspensyon na tiyakin ang kaligtasan ng mga empleyado at miyembro ng Kamara habang nagpapatuloy pa rin ang mahahalagang gawain sa gitna ng masamang panahon.