Diskurso PH
Translate the website into your language:

Senators, Nanumpa sa Kanilang Bagong Committee Chairmanship at Memmbership

Jaybee Co-AngIpinost noong 2025-09-25 17:38:35 Senators, Nanumpa sa Kanilang Bagong Committee Chairmanship at Memmbership

Pormal na nanumpa sa Commission on Appointments (CA) ang mgabagong miyembro at lider ng ilang komite  noong Miyerkules, September 24, 2025. Bukod sa panunumpa ng mga bagong miyembro, naghalal din ang CA ng mga bagong chairpersons at vice chairpersons ng iba’t ibang komite.


Pinangunahan ni Senate President at concurrent CA chairperson Vicente “Tito” Sotto III ang panunumpa sa mga bagong halal na senador na miyembro ng appointments body. Kabilang dito sina Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson at Senador Manuel “Lito” Lapid.


Bilang bahagi ng reorganisasyon, hinirang si Sen. Ping Lacson bilang Chairperson ng Committee on Foreign Affairs, habang si Lapid naman ang naging Vice Chairperson ng parehong komite. Nakuha rin ni Lacson ang posisyon bilang Vice Chairperson ng Committee on National Defense, samantalang si Lapid naman ay naging Chairperson ng Committee on Finance at Vice Chairperson ng Committee on Agriculture.


Sa iba pang komite, si Senador Raffy Tulfo ay nahalal bilang Vice Chairperson ng Committee on Public Works and Highways, habang si Senador Jinggoy Estrada ang itinalaga bilang Chairperson ng Committee on Energy. Samantala, si Senador JV Ejercito ay naging Vice Chairperson ng Committee on Rules and Resolutions.


Parehong nahalal na miyembro ng Committee on Accounts sina Lacson at Lapid.


Bukod sa mga bagong tungkulin sa mga komite, dalawang senador rin ang nanumpa bilang mga opisyal ng CA leadership. Si Senador Loren Legarda ang nahalal bilang Assistant Majority Floor Leader, habang si Senador Joel Villanueva naman ay naging Minority Floor Leader.


Sa kanyang panunumpa, binigyang-diin ni Legarda ang kahalagahan ng maayos na koordinasyon sa pagitan ng mga miyembro ng CA para matiyak na magiging mabilis at transparent ang proseso ng kumpirmasyon ng mga appointments. Para naman kay Villanueva, mahalagang manatiling matatag ang minority voice sa loob ng appointments body upang masiguro na balansyado ang mga deliberasyon.


Ang Commission on Appointments ay isang constitutional body na may tungkuling aprubahan o tanggihan ang mga appointments na ginawa ng Pangulo ng Pilipinas sa mga matataas na posisyon sa gobyerno. Binubuo ito ng mga miyembro mula sa parehong Kamara at Senado.


Ang naging reorganisasyon ngayong linggo ay inaasahang magbibigay ng panibagong direksyon sa CA habang tinutugunan nito ang mga darating na kumpirmasyon sa gabinete at iba pang mga pangunahing posisyon sa pamahalaan.