HRep Committee Meeting Schedule: Comm. on Appropriations, Tatalakayin ang SUCs at MMDA Budget
Jaybee Co-Ang Ipinost noong 2025-09-24 09:06:38
Ipagpapatuloy ngayong araw ang serye ng committee hearings ng House of Representatives bilang paghahanda para sa deliberations ng proposed Fiscal Year (FY) 2026 national budget. Dalawang sabayang pagpupulong ng Committee on Appropriations ang gaganapin sa South Wing Annex Building.
SUCs Budget Hearing sa Spkr. Nograles Hall
Magsisimula ang pulong ng Committee on Appropriations ng 9:00 AM sa Speaker Nograles Hall, 1st Floor, SWA Building. Ang agenda: pre-plenary briefing tungkol sa proposed budget ng State Universities and Colleges (SUCs) para sa Luzon region.
Tatalakayindito ang pondo para sa mga programa na magpapalakas ng access sa quality tertiary education, pagpapahusay ng facilities, at pagpapatibay ng research at extension programs. Inaasahan ding mapag-uusapan ang mga challenges ng SUCs, gaya ng pagsuporta sa mga pangangailangan ng mga estudyante at pag-align ng kanilang programa sa national development agenda.
MMDA Budget Hearing sa Spkr. De Venecia Hall
Kasabay nito, magkakaroon din ng pagpupulong ang Committee on Appropriations sa Speaker De Venecia Hall, 1st Floor, SWA Building, 9:00 AM din.
Nakatuon naman ito sa proposed FY 2026 budget ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA). Ilan sa mga pangunahing pag-uusapan ay ang traffic management, at iba pang proyekto sa Metro Manila. Inaasahan ding magbibigay ng updates ang MMDA sa kanilang ongoing projects at mga plano para masolusyunan ang ilang mga urban challenges ng Kalakhang Maynila.
Paghahanda Para sa 2026 Budget Deliberations
Ang mga pre-plenary briefings na ito ay bahagi ng proseso ng Kamara bago ang plenary budget debates. Sa pamamagitan ng mga pulong na ito, masusuri ng mga mambabatas ang budget proposals ng iba’t ibang ahensya para masigurong ang pondo ng bayan ay naka-align sa national priorities at tunay na tumutugon sa pangangailangan ng mamamayan.