Senado, Suspendido ang Trabaho sa Setyembre 22; Patuloy ang Pagtalakay sa Mahahalagang Isyu
Jaybee Co-Ang Ipinost noong 2025-09-22 11:10:14
Suspendido ang trabaho sa Senado ngayong Lunes, Setyembre 22, 2025 matapos ipag-utos ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang work suspension bilang paghahanda sa matinding ulan na dulot ng Super Typhoon Nando at habagat. Alinsunod ito sa Memorandum Circular No. 97 mula Malacañang na nag-aatas ng work suspension sa lahat ng government offices sa Metro Manila. Ang plenary session ay itinakda sa Martes, Setyembre 23, 2025.
Kasabay nito, ipinagpapatuloy ng Senado ang paninindigan para sa transparency at accountability matapos ang masiglang deliberasyon noong nakaraang linggo. Narito ang mga pangunahing tampok:
- Third reading approval ng Resolution No. 18 para sa ratipikasyon ng United Nations Agreement on Marine Biological Diversity of Areas beyond National Jurisdiction (BBNJ Agreement).
- Plenary discussions ukol sa legal jurisdiction ng Senado laban sa dating DPWH engineer na si Brice Hernandez at sa proposed Equal Access to Public Cemeteries Act.
- Privilege speeches nina Sen. Erwin Tulfo (amendments sa Contractors’ License Law), Sen. Raffy Tulfo (pagtaas ng road accidents), at Sen. Robin Padilla (AFP participation sa flood control projects at suporta sa UN two-state solution para sa Israel at Palestine).
- Committee inquiries and hearings kabilang ang agricultural smuggling syndicates, Internet Koneksyon para sa Edukasyon Act, national sports program, online gambling regulation, protection of Muslim Filipinos at IPs, at People’s Freedom of Information Act.
- Pagpapatuloy ng Blue Ribbon investigation sa anomalous flood control projects.
- Committee on Public Services hearings para palakasin ang Philippine Coast Guard at ayusin ang seaports.
- Committee on Finance briefings sa 2026 National Expenditure Program.
Sa kabila ng pansamantalang suspensyon ngayong Lunes, tiniyak ng Senado na hindi titigil ang kanilang trabaho sa pagtutok sa mga kritikal na isyu ng bansa.