Diskurso PH

Turkey, mag-uumpisa sa pagpapanumbalik ng dome ng Hagia Sophia


Mary Jane Barrera • Ipinost noong 2025-04-15 12:28:08
Turkey, mag-uumpisa sa pagpapanumbalik ng dome ng Hagia Sophia

Abril 15, 2025 — Pinahayag ng mga eksperto noong Lunes na sisimulan na ang restoration at reinforcement work sa iconic na dome ng Hagia Sophia—isa sa pinaka-malawakang repair efforts na ginawa sa halos 1,500-year-old na architectural masterpiece.

Dating pinakamalaking katedral sa mundo sa loob ng 900 years, ang Hagia Sophia ay ginawang mosque matapos ang pananakop ni Ottoman Sultan Mehmet the Conqueror sa Constantinople noong 1453. Naging isa sa pinaka-revered na moske ng Islam sa loob ng maraming siglo bago ito ginawang museo ng secular na gobyerno ng Turkey noong 1930s. Noong 2020, ibinalik ni President Tayyip Erdogan ang mosque status nito, isang kontrobersyal na hakbang na umani ng pandaigdigang pansin.

Ang nalalapit na restoration ay nakatuon sa mga structural vulnerabilities, partikular sa dome, na ayon sa mga eksperto ay na-identify bilang risk point sa earthquake simulations—isang kritikal na concern sa bansang nasa intersection ng seismic fault lines.

“The process will be difficult and will 'open an important page in the book of Hagia Sophia (Mahirap ang prosesong ito at magbubukas ng mahalagang pahina sa kwento ng Hagia Sophia),” ayon kay Asnu Bilban Yalcin, isang Byzantine art historian. Ipinunto niya na bagama’t patuloy na ang restoration efforts sa ibang bahagi ng istruktura sa loob ng isang dekada, ang stage na ito ay may mga hindi inaasahang hamon. “It is truly a structure full of surprises because sometimes things develop in a way we do not expect. That is, you design and plan it, but when you open it, things may develop differently (Talagang puno ito ng sorpresa dahil minsan may mga bagay na nangyayari nang hindi inaasahan. Ibig sabihin, dinisenyo mo at pinlano, pero kapag binuksan mo, maaaring may mag-develop nang iba),” aniya sa panayam ng Reuters sa labas ng Hagia Sophia.

Ipinaliwanag naman ni Ahmet Gulec, isang eksperto sa conservation at repair ng cultural properties, na unang tatakpan ang dome bilang proteksyon bago alisin ang kasalukuyang lead layer upang masimulan ang pangunahing restoration work. Layunin nilang palakasin ang mga mahihinang bahagi na na-identify noon sa structural simulations.

“The real structural problems will become more apparent when the lead cover is lifted (Mas magiging malinaw ang totoong structural problems kapag inalis na ang lead cover),” dagdag ni Hasan Firat Diker, isang architecture professor mula sa Fatih Sultan Mehmet Vakif University.

Kahit mahirap ang proseso, mananatiling bukas ang Hagia Sophia para sa mga sumasamba at bumibisita habang isinasagawa ang restoration. Sinabi ni Gulec na isa itong dagdag na hamon sa proyekto.

Hindi pa nagbigay ng eksaktong timeline ang mga eksperto sa pagtatapos ng restoration ng dome, dahil maaaring magkaroon ng delays dulot ng lagay ng panahon at iba pang di-inaasahang komplikasyon habang ginagawa ang proyekto.

Larawan: Tolga_TEZCAN/Canva