Abiso ni Trump ukol sa bagong taripa, lalabas na sa Biyernes

HULYO 4, 2025 — Inihayag ni Pangulong Donald Trump noong Huwebes na magpapadala ang U.S. ng mga pormal na abiso sa mga trading partner ukol sa mga bagong taripa, na maaaring simulan sa Biyernes. Malinaw na hakbang ito habang nag-uumpisa nang magwakas ang negosasyon para maiwasan ang mas matataas na singil.
"My inclination is to send a letter out and say what tariff they’re going to be paying," sabi ni Trump sa mga reporter. “It’s just much easier.”
(Ang gusto kong gawin ay magpadala ng liham at sabihin kung magkano ang babayaran nilang taripa. Mas madali ito.)
"We’re going to be sending some letters out, starting probably tomorrow," dagdag niya.
(Magpapadala kami ng mga liham, marahil simula bukas na.)
Ang paparating na taripa, na tataas para sa ilang ekonomiya — kasama ang EU at Taiwan — ay unang inanunsyo noong Abril, nang magpatupad ang administrasyon ng 10% na singil sa halos lahat ng imported na produkto. Bagaman pansamantalang naantala ang pagtaas hanggang Hulyo 9 para magkaroon ng negosasyon, nauubusan na ng oras ang mga bansa para makakuha ng exemption.
Sa ngayon, UK at Vietnam pa lamang ang nakipagkasundo sa Washington, habang pansamantalang binawasan ng U.S. at China ang magkabilang taripa. Habang papalapit ang deadline, may indikasyon na posibleng magkaroon pa ng mga kasunduan sa mga susunod na araw.
Giit ni Trump, ang mga liham ay magiging direktang paalala ng mga bagong singil, para mas mabilis ang proseso habang itinutulak ng administrasyon ang sa tingin nila’y mas patas na trade terms.
(Larawan: Wikipedia)