Diskurso PH
Translate the website into your language:

Pagkawala ng maraming headstones sa Compton Cemetery California, mainit na pinag uusapan.

Ana Linda C. RosasIpinost noong 2025-08-29 12:20:27 Pagkawala ng maraming headstones  sa Compton Cemetery California, mainit na pinag uusapan.

Compton, Calif. — Isang nakakagulantang na insidente ng vandalismo ang nangyari sa Woodlawn Celestial Gardens sa Compton, kung saan tinatayang isang dosena ng mga headstone ang ninakaw at marami pa ang nasira o napalitan.


Matapos ang nakaraang insidente noong Enero 2024, kung saan 23 headstones ang sinira gamit ang palakol, muling binanggit ni Celestina Bishop, ang may-ari ng sementeryo, ang pag-agaw ng mga bronse o tanso na pangalanan ng mga plaque. Isinisi niya ito sa mga magnanakaw na pinaniniwalaang nagbebenta ng mga ito dahil sa presyo ng recycled metal.


Ang Woodlawn Celestial Gardens, dati’y Woodlawn Memorial Park, ay isa sa pinakamatandang sementeryo sa Los Angeles County. May libong libingan ito, kabilang ang mga beterano mula pa noong War of 1812 hanggang sa Operation Desert Storm, at labing-walong beterano ng American Civil War.


Ayon kay Bishop, hindi biro ang pinsalang dulot ng insidente. “This is wrong on all levels,” wika niya patungkol sa nakaw at paninira sa sementeryo na puno ng kasaysayan at kahulugan. Batay sa kanyang estimate, umaabot sa libo-libong dolyar ang gastos para sa pagpapalit ng bawat headstone, na halos lagpas na sa  nakalaang badyet ng organisasyon.


Dahil sa tindii nang epekto ng nakawan sa lugar, nag-alok ang Los Angeles County Board of Supervisors ng $20,000 reward para sa impormasyon  upang mahuli ang  suspek. Ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring malinaw na impormasyon sa mga responsable sa nakawang ito.


Umani naman ng papuri mula sa mga mamamayan kaugnay sa aksyong ito. Ayon kay Councilman Jonathan Bowers, “If you had a family member here, you wouldn’t want anybody else to do that,” bilang pagtalakay sa kawalan ng respeto sa mga yumaong mahal sa buhay ng iba..

larawan/google