Diskurso PH
Translate the website into your language:

Jak Roberto, boto sa bagong tambalan nina Barbie Forteza at Jameson Blake: 'Bagay… Tsaka it’s about time'

Gerald Ericka SeverinoIpinost noong 2025-08-07 03:25:56 Jak Roberto, boto sa bagong tambalan nina Barbie Forteza at Jameson Blake: 'Bagay… Tsaka it’s about time'
MANILA — Positibong tugon ang ibinigay ng aktor na si Jak Roberto nang matanong tungkol sa bagong relasyon ng dating kasintahang si Barbie Forteza sa aktor na si Jameson Blake.

Sa isang panayam, sinabi ni Jak:

“Bagay… Tsaka it’s about time,”
na tila pagpapakita ng suporta sa bagong yugto ng buhay pag-ibig ni Barbie.

Ibinahagi rin ni Jak na nagkaroon sila ng personal na pag-uusap ni Jameson.

 “May mga deep talks kami ni Jameson. Sabi ko sa kanya, ‘Mabait si Barbie, alagaan mo lang,’” dagdag pa ng aktor.

Matatandaang mahigit pitong taon ding naging magkasintahan sina Jak at Barbie bago tuluyang maghiwalay. Hindi na rin lingid sa publiko ang lumalalim na ugnayan nina Barbie at Jameson, matapos mapansin ng mga netizen ang mga sweet moment nila sa social media at ilang public appearances.

Sa kabila ng hiwalayan, pinuri ng netizens ang pagiging mahinahon at bukas ni Jak sa bagong relasyon ng kanyang ex. Para sa marami, patunay ito ng maturity at respeto na dapat umiral sa kahit anong uri ng pagtatapos.