“DustBia vs. WillCa: kiligan moment sa ‘The Big ColLove’ Concert”
Gerald Ericka Severino Ipinost noong 2025-08-11 09:11:45
MANILA – Umusbong ang matinding kilig at ingay sa “PBB The Big ColLove” fan concert nitong Agosto 10, 2025 sa Smart Araneta Coliseum nang maganap ang tila love triangle showdown sa pagitan nina Will Ashley, Dustin Yu, at Bianca de Vera.
Sa espesyal na segment ng concert, nagmistulang “romantic tug-of-war” ang eksena kung saan parehong ipinakita nina Will at Dustin ang kanilang charm at chemistry kay Bianca. Mula sa kantahan hanggang sa kulitan sa entablado, naging malinaw na love triangle ang atake—isang konseptong agad na nagpasabog ng hiyawan mula sa fans.
Ibinahagi ng ilang netizens sa social media ang clips ng performance, kung saan makikitang halinhinang nagbibigay ng atensyon kay Bianca sina Will at Dustin, habang ang aktres naman ay game na game sa pakikipagbiruan at pagpapakilig. Marami ang nagsabi na ito ang “pinaka-exciting na parte ng buong concert,” dahilan para umarangkada ito sa trending topics online.
Ang naturang segment ay patunay ng lakas ng chemistry at entertainment value ng PBB Collab stars, na kahit sa labas ng Bahay ni Kuya ay kayang gumawa ng eksenang pinag-uusapan at inaabangan ng kanilang fans. Sa tagumpay ng love triangle performance na ito, mas lalo pang uminit ang interes ng publiko sa susunod na kabanata ng kanilang kuwento sa stage at teltelebisyon.