Kapamilya actress Katryn Bernardo itinanghal na Most Influential Celebrity of the Year
Ana Linda C. Rosas Ipinost noong 2025-10-12 18:20:14
Maynila, Pilipinas — Kapamilya aktres Kathryn Bernardo muling pinatunayan na siya ang isa sa pinakaminamahal at iginagalang na personalidad sa industriya ng showbiz matapos siyang tanghaling “Most Influential Celebrity of the Year” sa katatapos na 11th EdukCircle Awards na ginanap nitong Oktubre 11, 2025.
Ang nasabing parangal ay iginagawad taon-taon ng The EdukCircle – International Center for Communication Studies, bilang pagkilala sa mga indibidwal at personalidad sa larangan ng telebisyon, pelikula, at midya na nagkaroon ng malaking impluwensya sa publiko, lalo na sa mga kabataan.
Kilala si Katryn sa kanyang mga matagumpay na proyekto tulad ng A Very Good Girl at 2 Good 2 Be True, ito ay patuloy na kinikilala hindi lamang sa kanyang husay sa pag-arte kundi sa kanyang positibong imahe at mabuting ehemplo sa kabataan.
Maraming tagahanga at kasamahan sa industriya ang nagpahayag ng kanilang paghanga at pagbati matapos lumabas sa social media ang balitang siya ang bagong Most Influential Celebrity of the Year.
Sa mga post ng mga fan page at entertainment sites, binigyang-diin na ang tagumpay ni Kathryn ay “patunay ng kanyang patuloy na kahalagahan at respeto sa showbiz world.”
Ang EdukCircle Awards ay taunang pagkilala na ibinibigay ng isang samahang binubuo ng mga propesyonal at estudyante mula sa larangan ng mass communication at education.
Layunin nitong kilalanin ang mga personalidad na may positibong impluwensya sa lipunan sa pamamagitan ng midya at sining.
Noong mga nakaraang edisyon, kabilang sina Angel Locsin, Vice Ganda, at Coco Martin sa mga pinarangalan sa parehong kategorya — mga artistang nakapagbigay ng inspirasyon at magandang ehemplo sa publiko.
Sa social media, umani ng libo-libong pagbati ang aktres. Karamihan sa mga komento ay nagpapahayag ng tuwa at pagmamalaki, lalo na mula sa kanyang mga loyal fans na matagal nang sumusubaybay sa kanyang karera.
“Deserved na deserved ni Kathryn! Isa siyang huwaran hindi lang sa galing, kundi sa kababaang-loob,” ayon sa isang fan comment sa Facebook post ng EdukCircle-related group.
Sa kabila ng mga taon niyang pananatili sa spotlight, patuloy pa ring nagiging matunog ang pangalan ni Kathryn Bernardo — lalo na sa kanyang mga bagong proyekto sa pelikula at endorsement deals.
Itinuturing ng marami na ang kanyang panalo sa EdukCircle ay karagdagang patunay ng kanyang katatagan at patuloy na impluwensya sa modernong henerasyon.
larawan /instagram