Drew Arellano, ipinasilip ang bonggang rest house sa Tanay
Robel A. Almoguerra Ipinost noong 2025-09-26 02:02:13
TANAY — Muling nagpasabik si aktor at TV host Drew Arellano sa kanyang mga tagahanga matapos ipasilip ang kanilang napakagandang rest house sa Tanay, Rizal na tinatawag nilang Bahay ni Drew.
Noong Huwebes, Setyembre 25, nagbahagi si Drew ng isang aerial view ng kanilang property sa Instagram. Agad itong umani ng papuri at excitement mula sa mga netizens na sabik nang makita nang personal ang tinaguriang Casa Arellano.
Sa kanyang caption, ibinunyag ni Drew na ilang araw na lamang ay bubuksan na nila ang rest house para sa bookings. “A few more days before we open for bookings. Better late than never. Better safe than sorry. Better to be on the lookout for the big announcement @bahaynidrewtanay #100%SolarPowered,” ani Drew.
Umulan ng positibong komento mula sa kanyang mga followers:
“Looking forward to pay this a visit!”
“Ayan na ang Casa Arellano! Congratulations!”
“Super ganda! Talagang one with nature ang peg!”
“Cannot wait to book and unwind here, away from the city.”
Bukod sa mala-paraisong tanawin sa Tanay, malaking hatak din para sa mga bisita ang pagiging eco-friendly at 100% solar-powered ng rest house, na tugma sa adbokasiya ng sustainability.
Bagama’t wala pang eksaktong petsa ng grand opening, ang Instagram teaser ni Drew ay nagsilbing hudyat ng paparating na pagbubukas ng Bahay ni Drew—na inaasahang magiging bagong tambayan ng mga nais magpahinga mula sa polusyon at ingay ng siyudad. (Larawan: Drew Arellano, Screengrab / Instagram)