Diskurso PH
Translate the website into your language:

Na-Wow Mali! Carl Tamayo, umami ng atensyon matapos magbahagi ng pekeng balita ukol sa pagpanaw ni Martin Romualdez

Robel A. AlmoguerraIpinost noong 2025-09-26 23:03:40 Na-Wow Mali! Carl Tamayo, umami ng atensyon matapos magbahagi ng pekeng balita ukol sa pagpanaw ni Martin Romualdez

MANILA — Umani ng matinding atensyon sa social media ang Gilas Pilipinas forward na si Carl Tamayo matapos niyang maibahagi sa kanyang Facebook account ang isang pekeng memorial card na nagsasabing pumanaw umano si dating House Speaker Martin Romualdez.

Ayon sa ulat ng Fastbreak, nangyari ang insidente nitong Huwebes ng gabi. Sa naturang post, makikita ang larawan ni Romualdez na may kasamang teksto na “In Loving Memory,” bagay na agad nagdulot ng kalituhan at diskusyon online.

Maraming netizens ang agad na nagtama ng impormasyon, na nagsasabing walang katotohanan ang balita at buhay pa si Romualdez. Ang ilan ay nagpahayag ng pagkadismaya, lalo na’t isang kilalang personalidad sa sports si Tamayo at inaasahang magiging mas maingat sa pagbabahagi ng impormasyon.

“Dapat double-check muna bago mag-post. Lalo na kung tungkol sa buhay ng tao ang pinag-uusapan,” ani ng isang netizen na nagkomento sa naturang isyu.

Sa kabila ng pagkakamali, hindi pa malinaw kung personal na naglabas ng pahayag si Tamayo hinggil dito. Gayunpaman, nagsilbi itong paalala sa publiko at maging sa mga kilalang personalidad na laging beripikahin muna ang mga balitang nakikita online bago ibahagi sa kanilang mga followers.

Samantala, nananatiling sensitibo ang usapin lalo na’t nakaugnay ito sa isang mataas na opisyal ng bansa. Sa panahon ng social media, mabilis kumalat ang maling impormasyon—kaya’t mas lalong mahalaga ang responsableng paggamit ng plataporma.

Sa ngayon, deleted na ang nasabing post sa kanyang account. (Larawan: Carl Tamayo / Facebook)