Viral: Post ng asawa ni Boss toyo na si ‘Loves Joy’, umantig sa mga netizens
Robel A. Almoguerra Ipinost noong 2025-09-26 22:52:19
MANILA — Agaw-atensyon sa social media ang isang post mula sa Facebook page na Loves Jhoy matapos ibahagi ng isang working mom ang kanyang personal na karanasan tungkol sa matinding pagbabago ng katawan at emosyonal na hamon na kanyang hinarap matapos manganak.
Sa naturang post, ikinuwento ni Jhoy ang kanyang naging pakikibaka laban sa pagdagdag ng timbang, lalo na matapos sumailalim sa IVF treatments at proseso ng pagbubuntis. Aniya, maraming pagkakataon na nakarinig siya ng masasakit na salita tulad ng, “Grabe taba ng asawa ni Boss Toyo, sobrang panget niya.” Dagdag pa niya, malaking dagok ito sa kanyang confidence bilang babae at ina.
Gayunpaman, ibinahagi rin ni Jhoy kung paanong nagawa niyang makabangon sa pamamagitan ng disiplina sa pagkain, regular na pag-eehersisyo, at suporta mula sa kanyang pamilya. Inamin niyang mahirap pagsabayin ang pagiging breastfeeding mom at pagiging workaholic, subalit hindi ito naging hadlang para muling makuha ang kumpiyansa sa sarili.
Bukod dito, tinampok din niya ang paggamit ng ilang health products tulad ng Healthy Gummies na, ayon sa kanya, nakatulong sa mabilis na pagbabalik ng kanyang sigla at maayos na metabolismo. Ang kanyang post, na sinamahan pa ng mga larawan ng kanyang transformation, ay mabilis na kumalat online at umani ng papuri at suporta mula sa mga netizens.
Para sa marami, ang kwento ni Jhoy ay hindi lamang simpleng pagbabahagi ng personal na karanasan kundi inspirasyon sa mga ina at kababaihan na dumaraan sa parehong sitwasyon—na sa kabila ng hirap, posible pa ring maibalik ang kumpiyansa at lakas ng loob. (Larawan: Loves Jhoy / Facebook)