Diskurso PH
Translate the website into your language:

Tingnan: Kim Chiu, nagdala ng dalawang 10-wheeler truck ng construction materials para sa mga biktima ng lindol sa Cebu

Robel A. AlmoguerraIpinost noong 2025-10-02 23:28:08 Tingnan: Kim Chiu, nagdala ng dalawang 10-wheeler truck ng construction materials para sa mga biktima ng lindol sa Cebu

CEBU — Muling ipinamalas ni Kapamilya star Kim Chiu ang kanyang malasakit sa kapwa matapos siyang maghatid ng dalawang 10-wheeler truck na puno ng construction materials para sa mga pamilyang naapektuhan ng malakas na lindol sa Bogo at San Remigio, Cebu.

Ayon sa mga ulat, personal na tiniyak ni Kim na makarating ang mga materyales gaya ng hollow blocks, yero, semento at iba pang kagamitan sa mga residente na nawalan ng tirahan dahil sa naganap na lindol nitong nakaraang linggo. Layunin nitong makatulong sa muling pagtatayo ng mga bahay na gumuho o nasira.

Si Kim, na tubong Cebu, ay kilala sa kanyang pagiging aktibo sa mga gawaing makatao at pagtulong sa mga nasalanta ng kalamidad. Sa tuwing may sakuna, madalas siyang nangunguna sa pagpapadala ng donasyon at pag-oorganisa ng relief operations. Kaya naman labis ang pasasalamat ng mga Cebuanong naapektuhan, lalo na ang mga nakatanggap ng tulong mula sa kanya.

Pinuri rin ng mga netizens ang kanyang inisyatiba, na itinuturing nilang inspirasyon para sa ibang artista at pribadong indibidwal na magbigay ng oras at yaman para sa kapwa.

Ang ginawa ni Kim Chiu ay nagsilbing paalala na sa panahon ng sakuna, mas nagiging matibay ang diwa ng bayanihan at malasakit. (Larawan: Certified Kapamilya / Facebook)