DWTA, pinaliyab ang damdamin sa bagong single na “Nasusunog (Pants On Fire)”

Mayo 24, 2025 — Nagpakita ng paglayo mula sa nakagawiang folk sound ng Bicolanang musikera ang bagong labas na kanta, at niyakap nito ang alternative rock na may kasamang matitinding pahayag ng damdamin.
Sa isang opisyal na pahayag, inilarawan ni DWTA ang kanta bilang “an exploration of graceful wrath (isang paglalakbay sa marangal na galit),” na tinukoy niya bilang paraan ng pagpapahayag ng sama ng loob nang nananatiling bukas at kalmado. “It’s not screaming or exploding; it’s just simply burning, quietly and beautifully (Hindi ito pagsigaw o pagsabog; ito’y isang tahimik at magandang pagliyab).”
“We realized [this song] could symbolize how deceit burns through trust (Naisip namin na [ang kantang ito] ay maaaring sumagisag kung paano sinusunog ng panlilinlang ang tiwala),” kwento niya. “It became the foundation for a song about reclaiming power and releasing long-suppressed emotions. It wasn’t just about me, though. It was like a collective emotion from all of us in the room (Naging pundasyon ito para sa isang kanta tungkol sa pagbawi ng kapangyarihan at pagpapalaya sa matagal nang tinatago na damdamin. Hindi ito tungkol sa akin lang; parang kolektibong emosyon ito mula sa lahat ng nasa kwarto),” dagdag ng artistang “Padaba Taka.”
“We talked about people who lie, manipulate, and make you feel small, and how we were all done with that. So the song became this emotional release, like a shared fire we all needed to let out (Napag-usapan namin ang tungkol sa mga taong nagsisinungaling, nangmamanipula, at nagpaparamdam na maliit ka, at kung paano kami ay nagsawa na doon. Kaya ang kanta ay naging isang emosyonal na pagpapalaya, parang apoy na kailangang sabay-sabay naming ilabas).”
Binigyang diin ni DWTA na ang kantang “Erase Me” ni Lizzy McAlpine ang naging inspirasyon niya sa pagtuklas ng mas madamdaming tunog sa kanyang musika matapos ang bagong single na ito. Kasamang sumulat sina DWTA, Tiana Kocher, Ashley Mehta, at Martin Estrada, habang si Estrada at Brian Lotho naman ang mga producer. Ito ay isang bagong yugto sa kanyang sining habang pinananatili ang sinseridad na naging dahilan ng kanyang malawak na tagahanga sa buong bansa.
Ang “Nasusunog (Pants On Fire)” ang sumunod sa kanyang kamakailang single na “Sampung Mga Daliri,” na tampok si Justin ng SB19 at hango sa sikat na Filipino nursery rhyme.
Nitong Marso, nagtulungan ang dalawang singer-songwriter sa sikat na Filipino comic series na Hunghang Flashbacks ni D. Borja para gumawa ng isang limited edition comic book na hango sa kanilang makabagbag-damdaming kolaborasyon.
Larawan: dwta/Facebook