Diskurso PH
Translate the website into your language:

DOH, nagpaalala sa publiko na iwasan ang ‘food waste’ sa panahon ng kapaskuhan

Robel A. AlmoguerraIpinost noong 2025-11-30 22:42:15 DOH, nagpaalala sa publiko na iwasan ang ‘food waste’ sa panahon ng kapaskuhan

MANILA, Philippines Pinaalalahanan ng Department of Health (DOH) ang publiko na maghanda lamang ng sapat na pagkain ngayong nalalapit ang Kapaskuhan upang maiwasan ang labis na food waste na kadalasang nagaganap tuwing holiday season.

Ayon kay Dr. Emmanuel Dimal, Nutrition Information and Education Chief ng National Nutrition Council (NNC), nakaugalian na ng maraming Pilipino na magluto nang sobra-sobra sa tuwing may selebrasyon, lalo na kapag Pasko. Aniya, “Holiday tradition encourages abundance and families often cook more than needed… Kaya marami po tayong wastage.”

Binigyang-diin ni Dr. Dimal na kapag nasasayang ang pagkain, nasasayang din ang perang ipinambili dito, pati na ang nutrisyon na sana ay mapapakinabangan ng pamilya. Hindi lamang ito isyu sa ekonomiya, kundi pati na rin sa kalusugan at tamang paggamit ng resources.

Dahil dito, hinikayat niya ang publiko na simulan na ang maayos na pagpaplano ng ihahandang pagkain ngayong holiday season. Kabilang sa mga dapat isaalang-alang ay ang budget, availability ng mga sangkap, espasyo sa imbakan, at kalagayan sa kalusugan ng bawat miyembro ng pamilya.
Dagdag pa niya, “Let’s all strive to celebrate mindfully—enjoy the food, enjoy the company, but always remember the word balance… Always remember to choose nutritious foods.”

Sa gitna ng pagdiriwang at kainan sa Kapaskuhan, paalala ng DOH na ang pagiging responsable sa paghahanda at pagkonsumo ng pagkain ay hindi lamang nakatutulong sa kaligtasan ng bulsa, kundi pati na rin sa kalikasan at pangkalahatang kalusugan ng sambayanan. (Larawan: FoodPrint / Google)