Alam mo ba? Panganay ang pinaka-stress sa pamilya ayon sa psychology
Robel A. Almoguerra Ipinost noong 2025-12-01 22:36:06
MANILA, Philippines — Maraming panganay ang lumalaki na may mabibigat na expectations na nakapatong sa balikat nila. Kahit hindi sabihin ng magulang, nararamdaman nilang kailangan silang maging matatag at maaasahan palagi. Kaya ang iba, tahimik na lang kinakarga ang bigat na hindi nila alam kung paano ibaba.
Hindi madali maging panganay kapag ikaw ang laging sandalan ng pamilya. May mga araw na gusto mo ring sumuko, pero natatakot kang may mabigo. Kaya ang ending, ikaw ang tahimik na lumalaban para sa lahat.
Marami ring panganay ang napaagang nag-mature. Habang ang iba ay naglalaro pa at walang iniisip, sila naman ay nakikinig sa problema ng pamilya, nag-aadjust, at gumagawa ng paraan kahit hindi hinihingi. Isang pressure na hindi nila laging kayang sabihin.
At minsan, may mga gabing umiiyak ang panganay nang walang nakakaalam. Ayaw nilang dagdagan ang iniisip ng magulang, kaya tinatago nila ang sakit at pagod. Pero sa loob-loob nila, naghihintay sila ng konting yakap, konting salita, konting assurance na hindi sila nag-iisa.
Kaya kung may panganay ka sa bahay, o kilala kang panganay—kumustahin mo sila.
Hindi dahil mahina sila, kundi dahil tao rin sila na napapagod, nasasaktan, at nangangailangan din ng sandalan.
Minsan, “Nandito lang ako” lang ang kailangan nila para muling lumakas. (Larawan: Google)
