Diskurso PH
Translate the website into your language:

Cloud Dancer hinirang na Pantone Color of the Year 2026

Margret Dianne FerminIpinost noong 2025-12-05 08:18:34 Cloud Dancer hinirang na Pantone Color of the Year 2026

December 5, 2025 - Sa mundo ng lifestyle at design, isa sa mga pinakahihintay na anunsyo taon-taon ay ang pagpili ng Pantone Color of the Year. Para sa 2026, ipinakilala ng Pantone Color Institute ang PANTONE 11-4201 Cloud Dancer, isang mapusyaw na puti na tinaguriang “a symbol of calming influence in a frenetic society rediscovering the value of measured consideration and quiet reflection”.

Ang Cloud Dancer ay inilalarawan bilang isang “billowy, balanced white imbued with a feeling of serenity”, ayon sa Pantone. Sa lifestyle perspective, ito ay nakikitang kulay na nagdadala ng katahimikan at inspirasyon, bagay na mahalaga sa panahon kung saan marami ang naghahanap ng balanse sa gitna ng mabilis na takbo ng buhay.

Ayon kay Leatrice Eiseman, executive director ng Pantone Color Institute, “At this time of transformation, when we are reimagining our future and our place in the world … Cloud Dancer is a discrete white hue offering a promise of clarity.” Dagdag pa niya, “The cacophony that surrounds us has become overwhelming, making it harder to hear the voices of our inner selves. A conscious statement of simplification, Cloud Dancer enhances our focus, providing release from the distraction of external influences.”

Samantala, binigyang-diin ni Laurie Pressman, vice president ng Pantone Color Institute, na ang kulay ay “a lofty white that reads like a breath of fresh air. It speaks of our desire to live in a world that's balanced, kind, and deeply human.”

Para sa mga interior designers at fashion stylists, ang Cloud Dancer ay nakikitang kulay na maaaring magsilbing blank canvas. Sa tahanan, maaari itong gamitin bilang base color na nagbibigay ng malinis at maaliwalas na espasyo. Sa fashion, ito ay nagdadala ng understated elegance na madaling ipares sa iba’t ibang kulay at texture.

Ayon sa Pantone, ang pagpili ng Cloud Dancer ay reaksyon sa “aspiration for a future free from excess”. Sa lifestyle context, ito ay tumutugon sa lumalaking trend ng minimalism at conscious living—isang panawagan na bawasan ang toxicity at labis na pagkonsumo.

Sa pagbubukas ng 2026, ang Cloud Dancer ay nagsisilbing paalala na ang pagpapasimple ay hindi nangangahulugang kawalan ng kulay, kundi pagbibigay-daan sa mas malinaw na direksyon at mas tahimik na pamumuhay. Tulad ng sinabi ng Pantone, ito ay “similar to a blank canvas” na nag-aanyaya sa bawat isa na magsimula muli.

Sa huli, ang Pantone Color of the Year ay hindi lamang tungkol sa aesthetics. Ito ay cultural statement na sumasalamin sa collective mood ng lipunan. At ngayong 2026, ang mensahe ay malinaw: sa gitna ng kaguluhan, ang katahimikan at kalinawan ang tunay na luxury.