Diskurso PH
Translate the website into your language:

Marjorie Barretto, emosyonal na naglabas ng saloobin laban sa ina at sa umano’y 'favoritism' sa pamilya

Gerald Ericka SeverinoIpinost noong 2025-10-29 12:35:59 Marjorie Barretto, emosyonal na naglabas ng saloobin laban sa ina at sa umano’y 'favoritism' sa pamilya

Oktubre 29, 2025 – Naglabas ng mahabang pahayag si aktres Marjorie Barretto sa kanyang social media account kung saan idinetalye niya ang labis na sama ng loob sa kanyang ina, si Inday Barretto, matapos ang panibagong panayam nito na naglalaman umano ng mga maling pahayag tungkol sa kanya.

Sa kanyang post, sinabi ni Marjorie na nabigla siya nang matanggap ang tawag at mensahe mula sa mga kaibigan at kamag-anak na nagsasabing may mga nasabi raw ang kanyang ina laban sa kanya sa isang interview. Ayon kay Marjorie, nagulat siya dahil maayos umano ang kanilang samahan bago lumabas ang panayam.

 “A few days ago, on my brother's first-month death anniversary, an interview of my mom was released. I woke up to frantic calls and messages from loved ones saying that my mom had said very hurtful and untrue things about me,” ani ni Marjorie.

“I was shocked to learn that she and I were supposedly not on good terms, when we were just together every day.”

Dagdag pa ng aktres, hindi niya inaasahan na sa gitna ng kanilang pagdadalamhati sa pagkawala ng kanyang kapatid ay lalabas pa ang isang isyung makakaapekto sa kanilang pamilya.

“Was this really necessary to drag our grieving, non-showbiz family members into a new scandal while everyone is still mourning my brother's sudden death? Or am I once again damage control?” saad niya.

Sinabi rin ni Marjorie na tila layunin daw ng mga pahayag na siraan siya upang pagandahin ang imahe ng kanyang kapatid na si Claudine Barretto.

 “The mission is to destroy me and make Claudine look good and clean,” aniya.

Ayon kay Marjorie, matagal na niyang nararamdaman ang pagkakaroon ng “paboritong anak” sa kanilang pamilya.

 “With my mom, if you are not a problematic child, you become the least favorite,” paliwanag ng aktres.

Pinabulaanan din niya ang sinabi ng ina na hindi raw niya ito iniimbita sa mga pagtitipon dahil nahihiya siya rito. Ayon kay Marjorie, mismong ang ina raw nila ang nag-utos noon na huwag silang mag-post ng mga larawan kasama ito upang hindi magalit sina Gretchen at Claudine.

 “You’ve often asked me not to post photos of us together because Gretchen and Claudine might get upset,” sabi pa niya.

Sa dulo ng kanyang pahayag, sinabi ni Marjorie na pagod na siyang manahimik at pinili na lamang niyang ituon ang kanyang oras at pagmamahal sa kanyang mga anak.

 “Instead of looking for affection and protection from you, I will pour all of my energy into being the best mom to my children. I am not a perfect mom, but they can trust me,” aniya.

Dagdag pa ng aktres, nagsalita siya hindi upang makipagbangayan, kundi upang ipagtanggol ang sarili laban sa mga maling pagkakaunawa.

“When someone close to you distorts the truth in a very public way, it creates an ache that my silence cannot hold anymore,” pagtatapos niya.

Sa kasalukuyan, hindi pa nagbibigay ng sagot o reaksyon sina Inday Barretto at Claudine Barretto sa mga pahayag ni Marjorie. Patuloy namang umaasa ang publiko na muling magkakaroon ng pagkakasundo ang pamilya Barretto, na matagal nang kilala sa showbiz bilang isa sa mga pamilyang madalas masangkot sa intriga at alitan.