Diskurso PH
Translate the website into your language:

ASAP, lilipat na nga ba sa GMA?

Gerald Ericka SeverinoIpinost noong 2025-12-05 10:53:59 ASAP, lilipat na nga ba sa GMA?

Disyembre 5, 2025 – Nagkakainitan ang tsismisan sa showbiz world matapos ang balitang kumalas ang TV5 sa partnership nito sa ABS-CBN—at ngayon, ang pinaka-mainit na tanong: ASAP Natin ’To, posibleng mapanood na sa GMA 7?!

Ito ang gumugulong na haka-haka sa labas ng Kapuso network, lalo na matapos maglabas ng statement ang ABS-CBN na tila may laman sa likod ng mga salita:

 “We know we have obligations to fulfill… But whatever happens, our service to you will continue. We will find ways to reach you…”

Dahil dito, marami ang nagtanong kung may “next move” ba ang ABS-CBN—at isa sa pinupunto ng mga usapan ay ang posibilidad na lumipat ang ASAP Natin ’To sa GMA 7.

Bakit ASAP? Bakit GMA?

Kung tutuusin, hindi imposibleng mangyari. Hindi pa rin kasi nakakabawi sa ratings ang Sunday noontime show ng Kapuso network na All-Out Sundays (AOS).

Kaya't lumalakas ang bulong-bulungan: posible kaya na ASAP ang ipalit?

Pero kung mangyari ’yan, malaking tanong ang babagsak sa GMA management: Paano ang Kapuso artists?

Ang AOS ang naging stage para sa homegrown talents, lalo na sa mga newbies na gustong makilala. Sa It’s Showtime nga, iilan lang ang nagagamit na Kapuso stars. Kung ASAP ang papasok, siguradong may matatabig.

Kumusta ang ABS-CBN x GMA partnership?

Sa ngayon, nasa Kapuso network pa ang It’s Showtime at ang paparating na Pinoy Big Brother Celebrity Collab. Kaya lang, may kumakalat ding tsismis na may issue raw sa bayaran ng content—na mariing itinatanggi naman ng ilang executives.

Ang pangamba ngayon: Posible bang maulit sa GMA ang nangyari sa TV5?

Sa gitna ng paghina ng TV viewership dahil karamihan ay nasa phone at streaming apps na nanonood, malaking “good luck” nga kung magkakaroon pa ng smooth partnerships.

Larawan: Kapamilya Online Live